^

PSN Showbiz

John Lloyd, pinasok na rin ang booking app!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, pinasok na rin ang booking app!
John Lloyd Cruz

Booking app naman ang binebenta ni John Lloyd Cruz ngayon.

Kahapon ay dumalaw siya kay Cabuyao City Mayor Atty. Rommel Gecolea para i-present ang kanyang bagong project na booking app, ang Trike Now.

Yes trike ang target ng grupo ng inactive actor at obviously si Cong. Dan Fernandez ang konek niya sa nasabing proyekto dahil kasama ito sa mga dumalo sa presentation ng proposal ni John Lloyd na kumalat sa social media.

Nauna nang sinabi ng Star Cinema na matutuloy this year ang comeback movie ni John Lloyd with Bea Alonzo.

Nabanggit din ng bilyonaryong negosyante ng Brightlight Productions na si Albee Benitez na nakikipag-negotiate rin sila sa aktor para sa possible projects nila with him. In fact, ginagamit na nga ni John Lloyd ang private plane ng negosyante sa pagsundo kina Ellen Adarna at anak na si Elias sa Cebu. Co-parenting ang dating mag-live in partner.

Anyway, recently lang ay spotted si John Lloyd na nagmo-motor kasama ang anak na walang helmet.

Nauna nang naglunsad ng booking app si Dingdong Dantes, ang DingdongPH.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with