^

PSN Showbiz

Aktor na iniiwasan sa kadugyutan noon, mabangung-mabango na dahil sa karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Puring-puri ng mga katrabaho ng isang kilalang male personality ang girlfriend niya. Maasikaso ang babae, sabi nila, dahil napakalaki ng ipinagbago ng aktor sa kanyang hygiene.

Ibang-iba nga naman kapag may tumututok, kapag may nag-aasikaso, dahil napakalaki ng ipinagbago ng male personality.

Pag-alala ng aming source, “Dati kasi, e, palagi siyang bumibida sa mga blind items dahil sa kapabayaan niya sa katawan. Tag-araw at tag-ulan, e, hindi siya nawawalan ng sipon.

“At kayang-kaya niya namang bumili ng gamot, pero parang hindi niya ginagamot ang ubo at sipon niya. Kaya niya ring bumili ng tissue, pero kapag sumisinga siya, e, ipinapahid lang niya ang kamay niya sa kanyang pantalon!” natatawang pagbabalik-tanaw ng aming impormante.

Nag-iisa lang kasi nu’n sa buhay ang male personality, walang nag-aalaga sa kanya, nasa ibang bansa ang mga kapamilya niya.

Balik-chika ng aming source, “Ang mga kuko niya, bukod sa mahaba na, e, marurumi pa! Para bang lagi siyang naghuhukay ng lupa dahil sa mga itim-itim sa dulo ng mga kuko niya!

“Siya ang literal na dugyot nu’n, kung marurumi na nga naman ang mga kuko niya sa kamay na nakalantad, e, paano pa ang mga kuko niya sa paa? E, di mas marumi ‘yun?” tanong-sagot ng aming source.

Pero mula nang magkaroon na ng girlfriend ang male personality ay sobrang ibang-iba na siya. Malinis na siya sa katawan.

“’Yung mga dating pumapansin sa hygiene niya nu’n, e, puring-puri na siya ngayon. Malilinis na ang mga kuko niya, wala nang mga dumi sa dulo, sa totoo lang!

“Hindi na rin siya sipunin, paminsan-minsan na lang ‘yun dahil hindi naman puwedeng hindi siya maapektuhan ng klima, hindi na siya singhot nang singhot na tulad nu’n!

“Matutok ang girl! Siya mismo ang nag-aalaga sa male personality! Mabango nang tingnan ngayon ang guy at talagang malinis na sa katawan!

“Pati ang mga kuko niya sa paa na dati, e, pinipintasan ng mga nakakatrabaho niya, malinis na rin, halatadong alagang-alaga talaga siya ng girlfriend niya!

“Magandang influence sa male personality ang girlfriend niya, bangung-bango na sa kanya ngayon ang mga nakakaeksena niya, hindi na siya iniiwasan!” manghang-manghang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Lani sinumbong kay Raffy Tulfo ang panloloko ng show promoter!

Masamang-masa ang loob na lumapit-nagsumbong kay Raffy Tulfo ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Naglabas siya ng sama ng loob laban sa isang nakilala niyang show promoter na naging malapit sa kanya kaya pinagkatiwalaan niya.

Ang pangalan ng hinahabol ni Lani na hindi na nagpapakita ngayon at ni hindi sumasagot sa kanyang mga tawag ay Maynard Oliver Vergara.

Ang pinag-ugatan ng kanyang reklamo ay ang mga naipon niyang gems sa Lyka app. Nasa isandaang libong piso na ‘yun na dapat ay siya ang nakinabang dahil rehistrado ‘yun sa kanyang pangalan at cell number pero kinuha ng pinagkatiwalaan niyang show promoter.

Nagkasakit si Lani at ang kanyang mister na si Noli, matindi ang virus na kumapit sa kanila, halos ikamatay na ng mag-asawa ang pinagdaanan nilang meningitis.

Nu’ng mga panahong ‘yun nagsamantala si Maynard, naililipat nito ang mga gems na pumapasok sa account ni Lani, hanggang sa lumaki na nang lumaki.

“Nakakalungkot lang na pinagkatiwalaan ko siya, pero ganito pala ang gagawin niya sa akin. ‘Yung nakuha niyang gems na para sa akin, kahit paano sana, e, maipambibili namin ng gamot ng asawa ko,” pahayag ni Lani.

Pagkarinig ni Kuya Raffy sa sinabi ng magaling na singer ay nagpasintabi agad ito, sabi ng matapang na news anchor, “Magpapaalam lang ako sa iyo. Ginagawa ko naman talaga ang pagtulong, pero kailangan kong magpaalam sa iyo. Puwede bang ‘yung one hundred thousand na itinakbo ng taong pinagkatiwalaan mo, e, ako na ang magbigay sa iyo?”

Hindi malaman ni Lani ang gagawin, hiyang-hiya siya kay Kuya Raffy, “Kailangan ba talagang umabot tayo sa ganito?”

“Narinig ko kasi na sana, makababawas sa pambili n’yo ng gamot ang nawala sa iyo, kaya huwag kang mahiya, ako na ang magpapalit,” agad na sabi ng mapusong news anchor.

Aminado si Lani Misalucha na mabilis siyag magtiwala. Huli na niyang nalalaman na may mga tao palang nagsasamantala sa kanyang kabaitan.

“’Yun ang kailangan kong bawasan or baguhin nga­yon. Hindi ko kasi naiisip na may mga taong pinakitaan mo na nga ng maganda, pero lolokohin ka pa pala,” umiiling na pahayag ng Asia’s ­Nightingale.

vuukle comment

LANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with