^

PSN Showbiz

Ivana, na-fake news kina Derek at Gerald!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ivana, na-fake news kina Derek at Gerald!
Ivana

Sabi ko na nga ba at hindi alam ng manager ni Ivana Alawi na si Perry Lansingan ang kumalat na balita na sinabi ng alaga niya na dugyot at marumi sina Derek Ramsay at Gerald Anderson. Nag-react si Perry dahil hindi raw ganun si Ivana, never gagamit ng ganung salita, at never maglu-look down sa tao.

Sana nga hindi totoo dahil ima­gine mo ang repercussion nu’n, na para bang ang dumi at ang baho nina Derek at Gerald, eh mga matinee idol ang dalawa.

Kung minsan kasi, as manager, hindi natin alam kung saan nanggagaling ang mga balita tungkol sa mga alaga natin. Ayaw ko namang isipin na gawa-gawa ng sumulat ang lumabas na balita at fake news ang inilabas ng ibang diyaryo - hindi dito sa Pilipino Star NGAYON.

Sana nga ay hindi totoo dahil baka lumabas ang negative reactions eh sabi nga ni Perry at followers ni Ivana, hindi ganun ang ugali nito.

Good na na-point out ko at napansin ni Perry, now baka nalaman na nila why lumabas ang nasabing artikulo. At good na hindi na rin nila matatanong kung ano ang type ni Ivana na para sa kanya ay malinis at mabango na lalaki.

Well, Perry, alam mo na, ‘pag sikat ang alaga lahat ay napapansin, kaya bigyan sila ng lecture, para huwag makagawa ng palpak. Happy Va­lentine’s, Ivana, sino ang date mo sa araw ng mga puso? Hah hah joke joke.

Derek at Ellen, level up na

Speaking of Derek, para ngang mauuwi sa relasyon ‘yung friendship nila ni Ellen Adarna. Mukhang nagiging very close na sila to the point na nagpupunta na sila sa outings kasama ang close friends nila. At isinama pa ni Ellen ‘yung anak nila ni John Lloyd Cruz sa beach na kasama si Derek and friends.

Bongga nga siguro ‘pag natuloy ang romance dahil pareho namang free and willing to mingle ang dalawa. Saka mukha ngang swak ang kanilang personalidad kaya very easy to fall sa isa’t isa.

Hay naku, when you are young and carefree puwedeng madaling mag-bounce back sa anumang pain dahil nga hayan, open ka sa lahat ng possibilities at madali ang opportunities para sa iyo, lalo pa at maganda ka at guwapo tulad nina Ellen at Derek.

At parang namang walang paki si John Lloyd Cruz sa mga balita about Ellen at Derek.

Baka nga maganda ang na­ging usapan nila nang maghiwalay, kasi kahit sa anak nilang si Elias ay very free na mahiram at madalaw ni John Lloyd.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with