^

PSN Showbiz

Juliana, may dyowa nang fencer

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Juliana, may dyowa nang fencer
Juliana Gomez at Miggy Bonnevie Bautista

Ang bilis nang issue sa kumalat ang post na kasama ni Juliana Gomez si Miggy Bonnevie Bautista, isa ring champion fencer at nag-aaral sa Ateneo.

Kinatawan din siya ng Ateneo fencing team at sinasabi ngang Olympics qualifier na siya.

Kung natatandaan ninyo, si Juliana bukod nga sa paglalaro ng volleyball na ginagawa niya ngayon ay isa ring fencer kagaya ng kanyang amang si Richard Gomez na naging world champion pa.

Maaaring ang naging daan ng kanilang pagiging close ay dahil pareho nga silang mahilig sa fencing bilang isang sports.

Isa pa, nasa edad na rin naman si Juliana para tumanggap ng manliligaw o magkaroon ng boyfriend, pero siyempre depende pa rin iyan kung papayag si Mayor Goma.

Angel, sinumbatan ang basher

Mukhang nairita rin ang aktres na si Angel Locsin sa isang comment sa kanyang social media post tungkol kay Baguio City Mayor Benjie Magalong. Iginigiit kasi ng nagco-comment na mukhang masyadong magaan ang multang ipinataw sa mga lumabag sa batas sa face mask at social distan­cing sa Baguio, lalo’t kung ihahambing sa jeepney drivers noon na kinulong pa at pinagmulta nang mas malaki dahil din wala raw face mask at lumabag sa social distancing.

Sinabi ni Angel na sa tingin niya may punto naman ang sinasabi ng nagco-comment na iyon, pero naalala ng aktres na may atraso rin ang kuda nang kuda na iyon. Nasabi ni Angel, “ikaw, hindi ba isa ka sa nag-organize ng rally sa ABS-CBN? Noong dumagsa ang tao at nasira ang social distancing ano ang ginawa mo? Hindi ba ako pa ang naipit doon dahil bigla akong tinawag para magsalita? Kayo ano ang ginawa ninyo?”

Sinabi rin naman niyang lahat naman ng mga tao nagkakamali, at kung nagkamali man dapat na bigyan ng pagkakataong maituwid kung ano mang pagkakamali ang kanilang kinasangkutan. Kaya sabi niya sa nag-comment, “may punto ka eh, pero parang hindi bagay na manggaling iyan sa iyo. ”

Maganda naman kasi ang paliwanag ni Angel. Hindi naman siya nagbibigay katuwiran sa isang pagkakamali, at ang sinasabi nga niya, ang mahalaga kung nagkamali man ay aminin ng tao na siya nga ay nagkamali. Humingi ng apology at gumawa ng paraan para mailagay sa tama ang pagkakamaling iyon.

Sa tingin ni Angel, tama lang naman na nagbayad ng multa ayon sa itinatakda ng batas ang mga involved sa party na iyon. Sa tingin din niya kapuri-puri na ang ginawang pagbibitiw ni Mayor Magalong bilang contact tracing czar. Ano pa nga ba naman ang gusto nilang mangyari?

Nabalingan niya tuloy ang organizer pala ng mga rally na iyon, na oras namang nagkaroon ng palpak ay walang ginagawa at hinayaang ibang tao ang masisi. Si Angel ang nakita, kasi siya ang sikat na naroroon. Eh iyon namang organizers ng rally na iyon para sa ABS-CBN, kilala ba naman ng publiko?

Sexy male star, ibinisto ang kabadingan sa fan

Aminado naman siyang isa rin siyang fan ng male star na mabilis na sumikat dahil sa kaseksihan, pero inaamin din naman niya, “totoo pong bading siya.”

Hindi naman daw siya kagaya ng ibang fans na dinadaya ang kanilang sarili at ayaw pang maniwala sa mga tsismis, kasi siya raw nakita niya mismo sa isang watering hole ang kanyang idol na may kahalikang lalaki.

Sigurado raw siya dahil nilapitan niya iyon at nagbatian pa sila, dahil magkakilala naman sila. Mukha raw hindi na rin itinatago ng male star ang kanyang kabadingan, dahil nakikipaghalikan nga raw iyon sa poging ka-date kahit alam na nakikita niya.

Naisip din daw niya na baka sinusubukan din siya ng male star kung magpapatuloy siya sa kanyang pagiging fan kahit na nabisto na niyang bading ang kanyang idol.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with