^

PSN Showbiz

Aktres na angel ang ugali, sinusumpong noon sa kakalagare

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagkuwentuhan ng mga dating nakatrabaho ng isang popular na female personality kung gaano siya kahirap ispilengin. Mahirap hulaan kung ano ang bitbit niyang ugali sa bawat linya ng kanyang trabaho.

Professional ang female personality, hindi siya nagdidiva-divahan, kapag oras na ng trabaho ay wala siyang ibang focus kundi ang pag-arte lang.

Marami siyang trabaho, hindi siya napapahinga, pagdating sa pag-arte ay wala nang kulang sa kanya. Marami na siyang napatunayan.

Pero ang sobrang pagtatrabaho nga siguro ang nagiging dahilan kung bakit paminsan-minsan ay umiiral ang hindi niya kagandahang ugali.

Kuwento ng isang dati niyang nakatrabaho, “Minsan kasi, e, kailangang bina-balance rin ng mga personalities ang capacity nila. ‘Yung kung ano lang ang work load na kailangan nilang tanggapin.

“Masarap kumita, ‘yun naman ang reason talaga kung bakit sila tanggap nang tanggap ng mga projects. Pero sana, e, pakiramdaman din nila kung ano lang ang kaya nila.

“’Yun ang nakikita naming dahilan kung bakit nagkakaroon ng tantrums si ____(pangalan ng magandang female personality),” unang impormasyon ng aming source.

Pagdidiin naman ng isa pang source ay walang katotohanan ang kumakalat na kuwento ng kamalditahan ng kilalang female personality.

Ang patotoo ng impormante, “Isa siya sa pinaka-nice na artistang nakatrabaho namin. Okey siyang makisama, sensitive siya sa nararamdaman ng kapwa niya. Cowboy siya, wala kang masasabi sa ugali niya.

“Lahat ng staff and crew na nakakatrabaho niya, e, nagiging kaibigan niya after ng shoot. Kinukuha niya ang number ng lahat, nangungumusta siya, kaya gustung-gusto namin siya,” sabi pa ng source.

Pero ang paglalagare ng babaeng personalidad sa trabaho ang dahilan kung bakit paminsan-minsan ay lumulutang ang kanyang sumpong.

“Ikaw ba naman ang tumanggap ng work nang tatlong sabay-sabay. Araw lang ang pagitan ng trabaho. Natural, mabubugnot ka na rin, di ba? May serye siya, may sitcom, may mga pictorials pa!

“Kami mismo ang makapagsasabing bagay na bagay sa kanya ang name niya dahil mabait siya, marunong makisama, nice siya kahit sa maliliit na staff ng production. She’s an angel for us, we mean it, low key ang girl.

“Teka, idagdag na rin natin na siguro, kaya siya nagkakaroon ng tantrums, e, dahil sa lovelife niyang mas madalas na failure ang nagiging resulta.

“But she’s still an angel,” pagtatapos ng source na ilang beses nang nakakatrabaho ng popular na female personality.

Ubos!

Iniisyuhan lang na buntis... Yassi noon pa gustong layasan ang Probinsyano

Usung-uso ngayon ang mga fake news. Palpak na balita pero kadalasan ay pinaniniwalaan pa rin ng mga kababayan natin lalo na ng mga bashers.

Ang kuwentong nagdadalantao si Mocha Uson kay Robin Padilla. Ang kumalat na istoryang si Dingdong Dantes ang ama ng dinadala ng isang Lindsay de Vera.

Ang palutang ng anunsiyong peke na magbibigay raw si Willie Revillame nang 60k sa mga tagasuporta niyang magsasadya sa Wil Tower nu’ng kanyang kaarawan.

Napakaraming fake news ngayon sa showbiz at kahit sa mundo ng pulitika. Kailangan talaga nating kilatising mabuti kung ano ang totoo bago tayo agarang maniwala sa istorya.

May bagong fake news na kumakalat ngayon. Nagdadalantao raw si Yassi Pressman kay Coco Martin kaya kinailangan na siyang patayin sa makasaysayang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ilang linggo na lang daw ay mapapansin na ang paglobo ng tiyan ng magandang aktres kaya bago pa ‘yun mapansin ay dapat na siyang mawala bilang si Alyana na mahal na mahal ni Cardo Dalisay sa istorya.

May dagdag pang kuwento ‘yun. Si Julia Montes daw ang dahilan ng pagkamatay ng karakter nin Yassi, naniniwala raw ang karelasyon ng action star na may namumuong pagmamahalan sa kanila ni Alyana, nagwawala na raw si Julia.

Ito ang totoo. Nu’ng nakaraang taon pa ay nagpaalam na si Yassi sa Dreamscape Productions, gusto na niyang tapusin ang kanyang karakter sa serye, dahil napakarami niyang proyektong nakabimbin.

Mga pelikula ‘yun na hindi masimulan dahil palagi siyang naka-lock-in sa ­taping ng serye, may mga TVC rin siyang dapat gawin na naghihintay sa kanyang maluwag na oras, ang dami-daming oportunidad na nawawala sa kanya.

Dagdag na patotoo naman ng aming source, “Nagtagal lang ang execution ng eksena ng pagkamatay ni Alyana dahil kailangang convincing ang reason. Alangan namang basta na lang siya namatay, kailangang maging totoo ang dahilan.”

‘Yown!

vuukle comment

AKTRES

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with