^

PSN Showbiz

Vice designer na, international market ang target komedyante laking pasasalamat kay Kim

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice designer na, international market ang target komedyante laking pasasalamat kay Kim
Vice
STAR/ File

Designer na rin si Vice Ganda.

At international market ang target niya.

Nung isang araw lang daw niya naisip pero agad-agad siyang nakipag-meeting. Yes, maglulunsad siya ng Vice Ganda clothing line.

“Nakipag-meeting na agad ako. Nung isang araw ko lang naisip pero agad-agad nakipag-meeting na ako. Alam ko na sisikat ito sa international market at susuutin ng mga Karda­shian,” confident na sabi ng komedyante kahapon sa Tawag Ng Tanghalan : Ang Huling Tapatan Online Media Confe­rence. “Kini-claim ko na sisikat ito.”

Samantala, sinagot din nito kung alam niyang may mga lovescene and kissing scene ang partner niyang si Ion Perez sa gagawin nitong pelikula sa Viva.

“Ako ang manager ni Ion, so alam  ko naman. Tinanong nga niya ako kung ano ang sex-comedy,” na may tinuro pa raw siyang movie para panoorin nito.

Aminado rin ang komedyante na pa-evolve nang pa-evolve ang nangyayari sa Showtime dahil sa mga nagaganap sa kasalukuyan.

Na bukod sa pandemya, nawalan ng franchise, from free TV to cable, back to free TV (A2Z) and social media platforms. “Nakakabaliw gawin ang show dahil pa-evolve nang pa-evolve ang audience, ang platforms. Ngayon you have to be sensitive, hindi pwedeng masyadong masaya kasi hindi ganun ang emosyon ng tao.”

Kaya naman aminado si Vice na “Nakakasuka sa pressure.”

“Kailangan ko uling mag-aral. Noon kahit lasing ako kaya kong mag-Showtime, ngayon talagang kailangan mong pag-aralan.”

Anyway, kino-consider naman niyang blessing ang pagpasok ni Kim Chiu sa kanilang programa. “Ang laking pasasalamat ko na dumating si Kim sa Showtime kasi sawang-sawa na ako sa mukha nina Vhong at Jhong. Hahaha. Ang sarap ni Kim Chiu, ang sarap niyang addition, ang sarap niyang paglaruan. Tapos ina-allow niya ang sariling paglaruan kasi hindi lahat papayag na paglarun.

“Team player, family member. And she enjoys the show. Saka sabi ko kay Kim, hayaan mong sumablay ka.”

Kasi raw noong nag-uumpisa si Kim sa programa ay parang conscious pa ito na dapat lahat nang gawin niya, perfect.

At any rate, siyam na singers at siyam na pangmalakasang boses ang magpapasiklaban para makuha ang suporta ng parehong mga hurado at madlang people sa pagtatapat nila sa ikaapat na week-long grand finals ng Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan sa It’s Showtime mula Pebrero 1 hanggang 6.

Gaya sa mga nakalipas na grand finals, manggagaling ang score ng bawat performance ng grand finalists sa scores ng mga hurado (50%) at text votes ng viewers (50%).

Maliwanag na kinabukasan naman ang naghihintay sa tatanghaling champion dahil magwawagi siya ng P1 milyon, brand new house and lot mula Lessandra na nagkakahalaga ng P2 milyon, recording contract sa Star Music, management contract sa Star Magic, at isang espesyal na trophy na gawa ni Toym Imao.

Nakumpleto na kahapon ang pangkat ng grand finalists sa pagkakapasok ni Rachell Laylo ng Lipa City, Batangas matapos niyang matagumpay na pinanghawakan ang seat of power sa Resbakbakan.

Makakatapat naman niya ang mga kapwa kontesero at konteserang hindi magpapahuli sa digmaan ng bosesan, gaya nina Rica Mae Maer ng Villasis, Pangasinan, Emmar Cabilogan ng Maasin, Leyte, at Nikole Kyle Bernido ng Cagayan De Oro City.

Handa na ring ipaglaban ang pangarap nina Makki Lucino ng Sorsogon, JM Yosures ng Taguig City,  Donna Gift Ricafrente ng Sta Cruz Laguna, Mara Tumale ng Malolos, Bulacan, at Ayegee Paredes ng Bukidnon.

Sa unang dalawang araw ng kumpetisyon, mga awiting maglalarawan sa kani-kanilang journey ang kanilang kakantahin at ang makakakuha ng pinakamababang combined score ang matatanggal sa pagtatapos ng Martes.

Muling ibabalik sa zero ang scores ng matitirang finalists at magsasalpukan sila gamit ang mga kantang may temang Laban Natin ‘To sa Miyerkules at Huwebes, at temang Now or never naman sa Biyernes. Isang finalist kada araw naman ang matatanggal sa Huwebes at Biyernes.

Pagdating naman ng Sabado, aawitin ng anim na matitirang grand finalists ang kanilang Dream Song at sa pagtatapos nito’y tatlo pa ang malalagas sa kanila.

Sino kaya sa siyam na grand finalists ang tatangha­ling ikaapat na Tawag ng Tanghalan grand champion at susunod sa yapak nina Noven Belleza, Janine Berdin, at Elaine Duran?

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with