^

PSN Showbiz

Arron, tinanggi si Angeline

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arron, tinanggi si Angeline
Camille at Aaron
STAR/ File

Mapapanood sa video blog ni Vice Ganda ang ginawang pagbisita ng komedyante sa bahay ni Angeline Quinto kamakailan lamang. Dito ay nabanggit ni Vice na naabutan niya umano si Arron Villaflor sa bahay ng singer noon. Marami tuloy sa netizens ang napaisip kung mayroon bang namagitan kina Angeline at Arron. “I don’t deny it. Pero si Angge is a good friend of mine since then kasi same management kami. Actually, tatlo pa kami niyan. Si Erik (Santos), Angge, nagkukuwentuhan, nagkukulitan. Ang tagal na noon, matagal na ‘yon. Magkaibigan kami ni Angge. Kaya nagulat ako no’ng inilabas nina Ate Vice ‘yung vlog na ‘yon. Ang tagal na noon, 2016 pa yata,” paglilinaw ni Arron sa Magandang Buhay.

Ngayon ay masaya ang relasyon ng aktor at ang naging kandidata ng Mr. and Ms. Chinatown 2020 na si Camille Buenaventura. Naipakilala na rin ni Arron ang dalaga sa publiko apat na buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa binata ay matagal-tagal din niyang niligawan si Camille noong isang taon habang ipinatutupad ang community quarantine sa bansa. “Nakilala ko lang din siya sa mutual friends namin. Nag-set kami ng coffee date, doon nagsimula. Gusto ko rin ‘yung ganoon at saka very strict din ang parents ni Camille and I really, really respect her parents so much. I love her parents so much,” pagbabahagi ng aktor.

Robi, iba ang happiness tuwing nagsasalita ang GF

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Robi Domingo at Maiqui Pineda. Para sa TV host ay lalong tumitindi ang kilig na kanyang nararamdaman habang tumatagal ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend. “Hanggang ngayon, I love her and I’m in love with her,” nakangiting pahayag ni Robi.

Ibang kaligayahan ang dulot kay Robi sa tuwing nakakasama at nakakausap ang dalaga. “Si Maiqui, may some sort of magic na hindi ko in-expect. ‘Yung mga bagay na hindi ko alam, napupunan niya. Also mayroon siyang hirit na bigla na lang akong napapatawa. Hindi siya komedyante, pero every time na nagsasalita siya ay iba ang happiness ko,” dagdag pa ng aktor.

Matatandaang sinabi ni Robi noong isang taon na si Maiqui na ang nakikita niyang pakakasalan at makakasama habambuhay. “Nowhere to go but up. One year younger siya. Iniisip ko rin naman ‘yung biological component. Siyempre ang mga babae at the age of ganyan, may pressure rin sa kanila. So I take that into considerations,” paglalahad ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with