^

PSN Showbiz

Aktor nakalimutan ang salitang utang na loob!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kataklesan din ang isang kilalang male personality. Wala siyang pakialam kung may mga tao sa kanyang paligid na puwedeng maglabas ng mga pinagsasa­sabi niya.

Wala siyang pakialam, magkokomento pa rin siya, kesehodang maraming tinatamaan sa kanyang mga ikinukuda. May sariling mundo rin pala ang male personality na ito na hindi na kabataan.

Kuwento ng aming source, “Parang wala siyang pakialam kung makarating man sa mga taong nakatulong sa kanya sa istasyong pinanggalingan niya ang mga sinasabi niya.

“Sabihin nang merong mga pagkukulang ang mga taong ‘yun, sa laki ng naitulong sa career niya ng network, e, dapat na siyang magpasalamat!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Tahimik ang male personality nu’n, hindi siya masyadong masalita, pero nang lumundag na siya sa ibang bakuran ay parang naipon ang kanyang kadaldalan.

Patuloy ng aming source, “Hindi na siya bagets, nasa wastong age na siya para maisip niya kung anu-ano ang ang tama at mali. Kung bata pa sana siya, may makakaintindi sa mga sinasabi niya, kaso nga, e, hindi na siya bata!

“Sa age niya ngayon, e, kailangang umaakto na siya nang tama. Nag-iisip na dapat siya, hindi ‘yung salita siya nang salita kahit pa maraming nakakarinig sa kanya!

“He should act according to his age, ano ba? Kung kailan naman siya tumanda, e, saka pa siya nagkaganyan! Hindi man lang niya bigyan ng importance ang nagawa sa kanya ng network na pinanggalingan niya.

“Ang laki-laki ng nagawa sa kanya ng istasyon, ‘yung seryeng pinagbidahan nila ng isang sikat na female personality, e, umabot nang siyam-siyam sa tagal!

“Hindi pa ba naman enough ‘yun para maalala niya para hindi na siya ganyan kung magsalita? Mas maganda pa nu’n, suplado ang image niya, hindi siya madaldal!

“Pero ngayon, e, iba na ang datingan niya, porke wala na siyang pakinabang sa network na pinanggalingan niya, e, ganyan na ang mga deklarasyon niya!

“Siguradong may mga dictionary naman siya sa bahay, pakitingnan nga niya ang meaning ng utang na loob? Utang na loob, huwag naman sana siyang madaling makalimot!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Susan Roces, tinututukan ang pagtatanim ng mga gulay

Makabuluhan, punumpuno at mainspirasyon ang panayam nina Ted Failon at DJ Chacha sa Queen Of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.

‘Yun ang pagkakataong titigil ka muna sa ginagawa mo, wala kang palalampa­sing kahit anong bahagi ng panayam, dahil bihirang-bihirang magsalita si Manang Inday tungkol sa kanyang nakaraang sakripisyo bilang artista hanggang sa kinambalan na siya ng titulong Reyna Ng Pelikulang Pilipino.

Nang lumuwas siya sa Maynila mula sa Negros ay pinapangarap niyang makita ang kanyang mga idolong sina Ms. Gloria Romero at Ms. Nida Blanca.

“Nangyari ‘yun sa parang fan’s day ng Sampaguita Pictures. Nagbukas ang gate, isa ako sa mga tumakbo papasok. Nakita ko nga si Ms. Gloria Romero! Ang saya-saya ko bilang fan!

“Tapos, napansin ako ni Doc Jose Perez, ang producer, tinanong niya ako kung gusto ko raw bang mag-artista? ‘Yun na ang naging simula ng career ko.

“Four years ang pinirmahan kong kontrata sa Sampaguita. Every month, may allowance akong 50 pesos. Sa unang movie ko, ang ‘Boksingera,” ang talent fee ko, e, 500 pesos.

“Ang pinakamalaking talent fee na tinanggap ko, ten thousand pesos, pagkatapos na ‘yun ng mara­ming pelikulang ginawa ko sa apat na taon,” mainspirasyong kuwento ni Manang Inday.

Hanggang sa niyakap niya na ang titulong reyna ng mga reynang artista, napangasawa na niya ang Action King na si Fernando Poe, Jr., otsenta anyos na si Manang Inday sa darating na Disyembre.

Sa kanyang panayam ay napaka­raming nagpapadala ng mga komento kina Ted Failon at DJ Chacha, napakaganda pa rin kasi ni Manang Inday, marespeto at mapagpahalaga sa kanyang karera.

Sinsero ang kanyang pasasalamat sa TV5 dahil napapanood na rin ngayon sa istasyon ang FPJ: Da King tuwing Linggo nang hapon.

“Alam n’yo ba kung bakit napakalapit ng puso ko sa TV5? May ginawa akong pelikula nu’n, ang Dance O Rama, game show ‘yun sa TV5. Kaya maraming-maraming Salamat sa management ng TV5,” pag-alala pa ni Manang Inday.

Sa kanyang mga libreng pa­nahon ay tinututukan ni Manang Inday ang pagtatanim ng mga gulay. Hindi pa tumataas ang presyo ng mga gulay sa merkado ay naggugulayan na siya.

Sa pamamagitan ng kanyang manager na si Tita Dolor Guevarra ay pinadadalhan niya kami ng mga inaani niyang talong, kamatis at marami pang ibang gulay.

Masarap at masustansiya ang mga gulay pero mas sumasarap ‘yun kapag alam mong nangga­ling sa mapagpalang kamay ng isang Reyna Ng Pelikulang Pilipino.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with