^

PSN Showbiz

Dimples, abala sa kasal ni Angel next month

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dimples, abala sa kasal ni Angel next month
Dimples
STAR/ File

MANILA, Philippines — Labis na naapektuhan ang negosyong beauty salon ni Dimples Romana noong isang taon dahil sa pansamantalang pagsasara nito dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Ngayon ay unti-unti nang nakababangon ang anim na sangay ng Asia’s Lashes na pag-aari ng aktres. “Medyo matagal nang nangyayari sa atin ito. Meron at meron talagang epekto ‘yan sa negosyo. It could be letting go of some people. It could be branches temporarily closing out,” pahayag ni Dimples.

Ngayon ay pinaghahandaan na ng aktres ang isang bagong teleseryeng gagawin sa Kapamilya Channel.

Matatandaang labis na pinasikat ni Dimples ang karakter ni Daniella Mondragon sa teleseryeng Kadenang Ginto. Pinagbidahan ito ng Gold Squad na kinabibilangan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri. Masayang-masaya umano si Dimples dahil malayo na rin ang narating ng karera ng apat na itinuturing niyang anak-anakan. “They still text me every now and then and I feel very honored that these children are still in touch with me and they ask me several questions about life and about acting,” kuwento niya.

Samantala, may bulung-bulungan na sa susunod na buwan gaganapin ang pag-iisang-dibdib ng matalik na kaibigan ni Dimples na si Angel Locsin at nobyo nitong si Neil Arce. Si Dimples din umano ang punong-abala para sa bachelorette party ng kaibigan. “I am unsure if it’s really gonna happen next month. Parang wala naman kaming stripper, parang hindi naman kami ganoon. Ang bachelorette namin supposedly ay camping. So it’s like a bonding,” pagbabahagi ng aktres.

Ion, inaaral kumilos mayaman

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida si Ion Perez sa isang pelikula. Nakatakdang maging leading man ng aktor para sa Kaka na pagbibidahan nila ni Sunshine Guimary. Aminado si Ion na talagang ngayon pa lamang ay kinakabahan na siyang simulan ang bagong proyekto. “Alam n’yo naman po kung ano ang character ko sa Showtime. Nakaka-pressure para sa akin ang role ko dito. Unang pelikula na ako ang leading man, hindi biro ito. Kilala ko ang sarili ko, napi-pressure ako ngayon pa lang,” pagtatapat ni Ion.

Bilang paghahanda ay inaaral nang mabuti ng binata ang karakter para sa naturang pelikula. “Inaaral ko ang script, lagi kong binabasa. Kung paano gumalaw ang isang anak mayaman. Alam ko mahirap dahil first time kong gagawin ang role. Laki ako sa hirap, nahihirapan ako kung paano kumilos ang isang anak mayaman. Hihingi na lang siguro ako ng tips sa mga kaibigan ko kung ano ang dapat kong gawin,” pagdedetalye niya.

Humihingi rin ng payo si Ion sa kasintahang si Vice Ganda kung paano mapagbubuti ang trabaho sa pagbibidahang pelikula. “Humihingi ako ng tips sa kanya. Alam naman po natin si Meme, pagdating sa ganyan professional naman siya. Sinuportahan naman ako, walang problema sa kanya. Sabi niya sa akin, ‘Kaya mo ‘yan, tataya ako sa ‘yo. May tiwala ako sa ‘yo,’” kwento ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with