^

PSN Showbiz

Dalawang pamosong personalidad bata pa nang madiskubre ng fans ang kabaitan at kamalditahan

Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Panahon ng pandemya, maraming oras ang mga kababayan natin para sa mga birtuwal na kuwentuhan, marami silang naaalala. Tungkol sa dalawang pamosong personalidad na babae ang paksa nila.

Nag-ugat ang mga kuwento nu’ng mga bata pa sila, nagsimula ang dalawang female personalities bilang child stars, hanggang ngayon ay aktibo pa rin sila.

Si Actress A ay madalas pa ring mapanood sa telebisyon, si Actress B naman ay abalang-abala pa rin sa paggawa ng mga pelikula at serye, may masayang pamilya na si Actress A at mukhang mailap naman ang pakikipagrelasyon kay Actress B.

Kuwento ng aming source, “Mga bata pa lang sila, e, alam mo na talaga kung sino ang may kakaibang attitude sa kanilang dalawa. Isang palangiti at isang simangutera.

“Maalaga sa career ni Actress A ang pamilya niya, hindi siya nagpupunta kahit saan nang hindi kasama ang daddy at mommy niya. Guided siya ng mga magulang niya.

“Si Actress B naman, e, mommy lang niya ang kasa-kasama sa mga shows, kapag wala ang mudra niya, alalay lang ang kasama niya.

“Palagi silang magkasama sa mga mall shows ng network nila. Magkasama sila palagi dahil sila ang palaging magkasama sa mga projects nila sa network na pinagtatrabahuhan nila.

“Palangiti si Actress A, magiliw siya sa mga fans, samantalang si Actress B naman, e, palaging nakasimangot, hindi siya generous sa pagngiti,” unang paglalarawan ng aming source sa magkaibigan at magkatrabahong bumibida sa kuwentong ito.

Panahon ng kampanya. Mabenta sila sa mga pulitiko. Kakanta lang sila, sasayaw, at malaking halaga na ang talent fee na tatanggapin nila.

Pag-alala ng isang source, “Very professional si Actress A, iba talaga kapag may nag-aalaga at bumabantay sa mga performance niya. Maaga siyang dumarating sa lugar ng kampanya.

“Palagi namang late si Actress B, siya na nga ang late, nakasimangot pa! At late na nga siyang dumating, ang gusto pa niya, e, siya ang unang magpe-perform!

“Mabait si Actress A, pumapayag naman siya kahit pa inaantok na siya sa paghihintay. Nakakaloka si Actress B, hindi siya kumakamay sa mga fans, nasa gitna lang siya ng stage, hanggang du’n lang siya!

“Iba si Actress A, nakikipagkamay siya sa mga fans, pumupunta siya sa gilid ng stage para maabot siya, palagi siyang nakangiti, kabaligtaran ng friend niya na laging nakasimangot!

“Nu’n pa lang, mga bagets pa lang sila, e, alam mo na kung sino ang may kakaibang attitude sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon, maldita at simangutera pa rin si Actress B at nice na nice pa rin si Actress A!

“’Yun ang kuwento ng mga prinsesa!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie hindi nalimutan ng mga tinulu­ngang pulitiko

Lodi talaga si Willie Revillame! Pinakyaw niya na ang mga senador sa pagbati sa kanyang kaarawan ay isang sorpresang video greetings pa ang ginawa para sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Siyempre’y hindi mawawala ang pagbati sa kanya ni Senador Manny Villar at Senadora Cynthia, mahal na mahal ni Willie ang pamilya Villar, dahil anuman ang maganap sa kanyang karera ay nand’yan lang para sumuporta sa kanya.

Bumati rin kay Willie si Mayor Joy Belmonte na hindi pa man ay ipinroseso na agad ang mga kailangan ng TV host bilang senior citizen, may 20% discount card na siya ngayon sa lahat ng restaurant, sa lahat ng kailangan niyang bilhin.

Hindi rin siyempre pinalampas ng mga tunay niyang kaibigan ang pagkakataon, binati siya nina Aga Muhlach, Richard Gomez, John Estrada, Phillip Salvador, Tirso Cruz III at ni Randy Santiago na dekada niyang nakasama sa Cicada Band bilang drummer.

Ang mga senador na bumati kay Willie ay natulungan niya nu’ng nakaraang kampanya nang walang anumang kapalit. Umakyat siya sa entablado ng mga pulitiko nang hindi siya naningil.

Hindi malilimutan ‘yun ng kanyang mga natulungan, pati ni Presidential Spokesman Harry Roque, na nu’ng may magpositibo sa Palasyo ay ipinahiram ni Willie ang isang floor ng kanyang Wil Tower para gamitin ng ating pamahalaan sa kanilang mga pag-aanunsiyo ngayong pandemya.

“Napakasarap makatanggap ng pag-alala mula sa mga taong nakatulong sa akin at natulungan ko rin sa ibang paraan. Kumpleto na ang birthday ko!” sabi ni Willie pagkatapos naming makausap pagkatapos ng Wowowin-Tutok To Win.

Sa halip na siya ang regaluhan ay siya ang nagbibigay, batiin lang siya ng happy birthday ng napili niyang tawagan ay sixty thousand na agad ang ipinamamahagi niyang premyo, sa hirap ng buhay ngayon ay tumatawa-umiiyak sa sobrang kaligayahan ang ating mga kababayan na nakakatanggap ng kanyang regalo.

Maligayang kaarawan uli sa aktor-TV host na wala nang mahihiling pa sa buhay, nasa kanya na ang lahat-lahat ng materyal na yaman sa mundo, kaya ang pagtulong na lang sa kanyang kapwa ang sinesentruhan niya.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with