Ian, sinagot ang isyung hiwalay na sa misis
“Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” ang caption sa Instagram post ni Ian Veneracion kahapon.
Obviously, patama niya ito sa mga kumalat na diumano’y hiwalay na siya sa non-showbiz wife at may ibang babae na.
Nakasulat naman sa artcard ng post niya na “I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment.
“I don’t need to defend myself from the lies of perverts.”
Nag-umpisa sa blind item ang nasabing issue hanggang pinangalanan habang inili-link siya sa isang starlet na diumano’y kasama niya sa sitcom na Oh My Dad! na napapanood sa TV5. Itinanggi naman ito ng ibang taga-TV5.
Kilalang hindi masalita si Ian at bihirang masabit sa mga intriga.
- Latest