^

PSN Showbiz

Sue apektado!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sue apektado!
Sue

Apektado ang magkasintahang Javi Benitez at Sue Ramirez sa mga kumalat na litrato ni Sue na photoshopped kasama si Maris Racal.

Apektado rin ang aktres na pilit siyang idinadawit sa isang blind item na si Ian Veneracion naman ang tinutukoy.

Kaya kinokorek ko na hindi si Sue at Ian ang tinutukoy ko sa sinulat namin dito.

Ang ikinakalat na malisyosong litrato ay isinabay pa sa mga paninira kay Sue na pinagbibintangan siyang ‘kabit ni Ian Veneracion.’

Nakakapagtaka lang bakit ganun na lang ang paninira nila kay Sue na parang merong demolition team na gusto siyang siraan nang matindi.

Si Maris naman ay galit ding nag-react sa kanyang Twitter account na sana tigilan na raw ang pambababoy sa kanilang mga kababaihan.

Sabi pa niya sa kanyang tweet na ipinost noong Martes ng hapon; “There’s an edited photo of Sue and I spreading online. Kung sino man ang nag-edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambababoy ng katawan ng mga babae. Pag-aari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na.”

Hindi naman nagpabaya ang ABS-CBN 2 at naglabas din sila ng statement noong araw na iyon.

Bahagi ng kanilang pahayag; “Kinukundena ng ABS-CBN at Star Magic ang iligal na pagmamanipula ng mga litrato ng mga artista at kahit na sino dahil ito ay isang uri ng gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.

“Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagkakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media. Ang kapakanan ng aming talents ang pinakamahalaga sa amin, kaya naman hindi kami magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito.

“Dapat ay tinatrato ang lahat nang may dignidad at respeto, kahit na sa social media.”

Jose may bilin kina Benj at Lovely

May basbas ni Jose Manalo ang kasal kamakailan lang ng kanyang anak na si Benj Manalo at Lovely Abella.

Tumawag nga raw si Benj sa kanya noong bago siya ikasal para humingi ng basbas sa kanya. Kuwento ng comedian/TV host sa nakaraang media­con ng bagong game show niya sa GMA 7 na Catch Me Out Ph; “‘Yun nga tumawag siya sa akin parang humihingi siya ng basbas sa akin. Sabi ko naman, siguro at your age alam mo na rin naman yung mga pinalamon ko sa ‘yong pangaral.

“Ako kasi ang hilig kong mangaral kahit hindi ko mapangaralan ang sarili ko. Pero ‘pag sa anak gagawin mo lahat.”

Alam daw niyang sobrang pursigido rin si Benj sa kanyang career na gusto niya talagang meron siyang gustong patunayan. “Kilala ko si Benj kung anong klase ang anak ko na ‘yan. Siya ‘yung tao na meron siyang gustong patunayan sa sarili niya na eto ‘yung kaya ko. Nirerespeto ko naman ‘yun.”

“Sabi ko sa kanya, pumasok ka sa ganyang buhay, alam kong alam mo ‘yung desisyon mo. Never ka dapat gi-give up at kung wala rin lang masamang dahilan, hangga’t maisasalba mo ‘yung family mo at mahalin mo ‘yung asawa mo, kailangan ituluy-tuloy mo ‘yan,” saad ni Jose.

Botong-boto naman si Jose kay Lovely na matagal-tagal na ring nakarelasyon ni Benj. “Si Lovely okay naman. Alam kong totoong tao rin ‘yan at anak ko na rin. Good luck sa inyong dalawa and more blessings and ‘yung career nila na kung ano ang tinatahak nila. Siyempre, love na love sila ng tatay nila,” mensahe ni Jose sa bagong kasal.

Samantala, excited na si Jose sa bago niyang game show sa GMA 7 na matagal na palang nakaplano.

Kasama niya rito bilang mga spotters sina Derrick Monasterio at Kakai Bautista na enjoy na enjoy sa paglalandi kay Derrick.

Sa February 6, Sabado ng 7:15 ng gabi na ito magsisimula.

AOS, ire-reformat na

Hanggang social media lang ang ingay at hindi nag-translate sa ratings ang ingay ng ASAP noong Linggo.

Nakuha namin sa survey ng AGB-NUTAM, mababa pa rin ang rating sa dalawang istasyong pinaglabasan nito.

Sa A2Z ay naka-1.4 percent lamang ito at 1.9 naman sa TV5.

Samantala ang All-Out Sundays sa GMA 7 ay 5.8 percent ang nakuhang rating. Medyo bumaba ito nang konti pero ang dinig namin ay may mga binago silang segment lalo na sa comedy nila, dahil iyon lang ang kaibahan sa performances na mapapanood sa AOS.

Kaya abangan na lang ang mga dagdag pang comedy sketches na mapapanood sa naturang programa.

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with