ASAP sa TV5, super trending
MANILA, Philippines — Nag-trend bilang number one sa Twitter ang official hashtag ng ASAP Natin ‘To na #ASAPasONE at nakalikom ng higit sa isang daang libong posts, sa pag-uumpisa ang bagong kabanata ng show. “We are stronger avid viewers of A2Z, Kapatid, and Kapamilya networks,” ani ng isang viewer.
“They broke ABS-CBN into pieces. Now they are all scattered in different platforms and channels. Cable TV, app online, satellite TV, and 2 free TV networks. They cannot stop us for being in the service of the Filipino,” tweet ng isa pa.
Hindi naman napigilan ng netizens na gumawa ng kani-kanilang hashtags para sa show at sa mga guests at hosts nito. Tumabo ang show ng posts may mga hashtag tulad ng #ASAPonTV5, #WeLoveYouQueenRegine, #TheUnkabogableVGonASAP, #KyCine51MOSonASAPMAYWARDSundayTreat #ALJONNatinonASAP, at marami pang iba.
Mula 1995, lingu-linggong naghahatid ang ASAP Natin ‘To ng concert experience mula sa pinakamalaking mga bituin sa entablado sa ABS-CBN kaya naman talagang maraming nanibago nang umere ito sa TV5.
- Latest