^

PSN Showbiz

Javi, ipinagtanggol si Sue sa BI kay Ian Veneracion

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Javi, ipinagtanggol si Sue sa BI kay Ian Veneracion
Sue Ramirez

Nakakaawa naman si Sue Ramirez na idinadamay sa isang blind item na ang tinutukoy naman ay si Ian Veneracion. Grabe kung makapag-react ang ilang netizens na akala mo tamang-tama ang hula nila sa isang blind item na lumabas.

Tungkol ito sa isang guwapong aktor na pinagdudahang hiwalay na sa kanyang asawa dahil hindi na raw sila nagsasama sa isang kuwarto. Ang latest kasi nali-link si guwapong aktor sa isang aktres, na ang pagka-describe ay isang starlet.

Si Sue ang itinuro nila na unfair namang sabihan mo siyang starlet.

May ilang ang bastos pa ng komento at nakalusot sa isang Instagram post ni Sue na kung saan napaka-sexy niya sa bikini na suot niya na inili-link siya kay Ian Veneracion.

Hindi na nakatiis ang nobyong si Javi Benitez, kaya sinagot na niyang “hindi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae. Mali hula niyo kaya itigil nyo na yan.”

Maganda ang samahan ng magkasintahan. Kaya sobrang unfair para kay Sue na inili-link siya kay Ian na tahimik din naman ang buhay.

Magkasama sina Ian at Sue sa Oh My Dad na napapanood pa rin sa TV5 at nasa season 2 na ito kung saan kasama pa si Dimples Romana dahil na-tape na nila ito in advance.

Rayver, ayaw pumatol

Nag-trending noong Linggo ang #ASAPasOne dahil talagang kinarir nila nang husto ang airing nila sa TV5. Pero hindi rin naman nagpahuli ang All-Out Sundays na trending din ang #AOSPinoyFest.

Thankful si Janine Gutierrez sa pagkapasok niya sa ASAP Natin ‘To at nakikita namang sobrang kampante ang boyfriend niyang si Rayver Cruz sa Kapuso network.

Kaagad na ipinalabas sa AOS ang mala-concert level na production number ni Rayver. Nakakatuwa ang feedback na nakakarating sa amin tungkol kay Rayver at pati na rin sa kapatid niyang si Rodjun Cruz. Pawang papuri ang naririnig namin na napakagaan daw nilang katrabaho.

Mabait daw sa oras ng trabaho at wala kang naririnig na reklamo mula sa kanila. Kahit nga minsan ay parang hindi kompor­table si Rayver sa ipinapasuot sa kanya, hindi raw ito nagrereklamo kundi tinitiis na lang.

Kaya gustung-gusto siya ng mga staff na wish nilang mabigyan pa silang magkakapatid ng mas marami at magagandang projects sa GMA 7. Bukod pa riyan, hindi nakikisabay si Rayver sa mga hanash at kuda sa social media. Nag-i-enjoy lang sila ni Rodjun sa pagsasayaw sa TikTok.  

John, namisteryosohan kay Ellen

Nasilip namin ang pilot episode ng John En Ellen nina John Estrada na nagsimula na nung nakaraang Sabado ng gabi sa TV5.

Okay naman at bago ang ilan nilang patawa at hindi nakakabagot panoorin.

Kering-keri ni John ang mga comedy scenes, pero medyo nakukulangan ako kay Ellen na parang hindi niya nai-internalize ang role.

Mabuti at  nakakatawa naman sina Long Mejia at Ronaldo Valdez na bumagay sa kanilang role.

Okay din sana ‘yung may karakter silang parang tatanga-tangang assistant na ginagampanan naman ng seksing si Haiza Madrid. Pero hindi gaanong nakakatawa ang pagiging tatanga-tanga niya sa sitcom na iyon.

Sabi naman ni John nang makatsikahan namin last Friday sa DZRH, napansin na raw niya talaga si Ellen sa mga ipinu-post nito sa kanyang Instagram account. Naaliw daw siya sa karakter ng aktres kaya kaagad na in-approve daw noong nag-suggest siyang si Ellen ang i-partner sa kanya.

“Para siyang misteryosa na very interesting na character eh. Saka alam ko maraming naka-miss kay Ellen sa TV.

“So tinawagan ko ang manager ni Ellen, at salamat sa Diyos na pumayag naman siyang bumalik sa pag-artista si Ellen. Kasi ang balita ko nun, ayaw na talaga niya mag-artista eh,” pahayag ni John.

“Nu’ng sinabi naman kay Ellen, sabi niya pag-isipan daw muna niya. After a week sabi niya ‘sige, I’ll give you a shot, parang ganun,” dagdag pang kuwento ng aktor.

Ang isa pang dagdag sa sitcom na kaya nagkainteres kaming panoorin ay ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz. Magaling kumanta si Angelina, pero nakitaan nila ng kakaibang character na alam daw nilang bagay.

Medyo hindi pa ganu’n kakomportable si Angelina sa pag-arte pero mabuti at sa comedy muna siya unang isinalang para hindi siya gaanong mahirapan at matututo pa siya.

Nilinaw ni John na kay Sunshine nila ipinagpaalam si Angelina, pero nag-text naman daw siya kay Cesar. “Ipinagpaalam ko sa parehong magulang siyempre,” pakli ni John.

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with