^

PSN Showbiz

Mocha sa tsismis sa kanila ni Robin: Bitter sa gobyerno ang nagpapakalat niyan

James Relativo - Philstar.com
Mocha sa tsismis sa kanila ni Robin: Bitter sa gobyerno ang nagpapakalat niyan
Kuha ni Mocha Uson, isang OWWA official at social media personality, habang nagbubuhat ng weights kahit iniisyung buntis diumano sa anak nila ng aktor na si Robin Padilla, Ika-22 ng Enero, 2021
Video grab mula sa Facebook ni Margaux "Mocha" Uson

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng social media personality at  deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kumakalat na balitang buntis siya sa pamilyadong aktor, bagay na kanyang pinatunayan habang nagbubuhat ng weights.

Hula kasi ng marami na ang OWWA official na si Mocha Uson ang pinatatamaan ng ilang showbiz blind item na diumano'y "controversial female personality" na nabuntis daw ng isang sikat na rtista.

Basahin: Controversial female personality, nabuntis ng sikat na aktor!

"BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel," ani Mocha habang may weights, Biyernes.

"Lunch break! Workout na muna tayo!"

 

 

Sa nasabing blind item, sinasabing matagal nang hindi nakikita ng publiko ang "female personality." Ang aktor daw, na may misis na at close sa boss ng babae ay hindi rin daw lumilitaw ngayon.

Kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Robin gaya ni Mocha, habang attached agency ng Department of Labor and Employment ang OWWA — isang kagawaran sa ilalim ng administrasyon.

"Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami," ani Mocha, na dati nang iniuugnay sa pagpapakalat ng fake news.

Mariel Rodriguez: Tama na!

Sa kanyang Instagram post kanina, sinabi naman ng aktres at asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez-Padilla na tigilan na nila ang kanyang mister pagdating sa mga walang basehang paratang.

Nagbigay din siya ng paliwanag kung bakit wala sa mata ng publiko ang "bad boy" ng Pelikulang Pilipino.

"[L]et me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life," sambit ng aktres na dati ring host ng "It's Showtime."

"He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW."

Wika pa niya, may panahon para maging malisyoso ngunit hindi raw ito ang pinakaakmang okasyon: "May oras para maging assholes now is not that time. Please."

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

MOCHA USON

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with