^

PSN Showbiz

Dra. Belo at Chair Rachel, subok na matitibay sa kanilang posisyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Magdiriwang ng birthday nila this month ang dalawang women in power sa magkaibang propesyon. Sa larangan ng beauty, walang tatalo kay Dra. Vicki Belo-Kho, basta beauty, Belo ang maiisip mo.

Tapos si Chairman Rachel Arenas ng MTRCB, isa sa friendliest at swee­test government official natin.

Mula nang siya ang maupo sa MTRCB, naging approachable at madali nang makausap sa anumang problema ang nasabing tanggapan.

Dalawang powerful women na kung titingnan mo ang resume, sobrang bongga, kaya top of the line sila sa women empowerment dahil patibay na ang mga babae ay iba kung humawak ng posisyon.

For the longest time, nasa top si Dra. Vicki Belo, in the case of chair Rachel, in such a short time ang dami niyang mga nagawa for the improvement of her office.

Bongga, two beautiful talented at very kind women, ipagmamalaki mo talaga at gusto mong gawing idol.

Beautederm, naka-12 taon na

Akalain mo na 12 years na pala ang Beautederm ni Rhea Tan. In that span, nagawa nilang maging top of the line ang beauty products nila plus tambak ang naging endorsers nila.

Sobra rin kasi sa sipag ng mag-asawang Sam at Rhea, kaya hindi kataka-taka na umangat nang husto ang kanilang kumpanya.

Imagine na lahat ngayon ay gustong maging Beautederm ambassadors, kasi nga alagang-alaga sila hindi lang sa pro­ducts, kundi sa publicity.

Hindi maramot si Rhea sa kanyang endorsers, talagang sobra-sobra ang ibinibigay niyang regalo sa mga ito.

Kung minsan nga ay dinadala pa niya sa abroad para sa bonding session nila.

No wonder, malapit ang grasya sa Beau­tederm, dahil bukas din ang palad niya sa pagbibigay. Congrats, Beautederm. 

 

vuukle comment

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with