^

PSN Showbiz

Aktres, kabisado na ang style para pag-usapan

Pilipino Star Ngayon

Hindi masyadong gusto ng isang grupong nagpipista sa kuwentuhan ang isang young female personality. Mahilig daw kasi sa gimik ang babae.

Kapag type daw niyang mapag-usapan siya, kahit ano na lang ay kayang-kaya niyang gawin, makakuha lang siya ng atensiyon.

Pinag-aralan nilang mabuti ang mga nakaraang kagimikan ng young female personality, napatunayan nilang oo nga, magaling gumawa ng drama ang babaeng ito.

Kuwento ng aming source, “Magaling siyang gumimik, hindi na niya kailangan ng PRO, siya mismo, kayang-kaya na niyang magawang mapag-usapan siya!

“Napakagasgas na ng drama niyang nag-break sila ng boyfriend niya, pero hindi naman totoo dahil palagi pa rin silang nakikitang magkasama! Ganu’n ba ang hiwalay na, magkasama pa rin naman sa condo?

“Minsan nga, e, bigla na lang siyang magpo-pose na para siyang boldstar, kung anu-anong pictures ang inilalabas niya, mapag-usapan lang siya!” unang bagsak na kuwento ng aming impormante.

Matindi raw kasi ang insekyuridad ng young female personality, kapag hindi na siya napag-uusapan ay agaran na siyang umiisip ng paraan para hindi siya mapag-iwanan sa publicity, ganu’n ang pagpansin ng grupo sa aktres.

Balik-kuwento ng aming source, “At pikon pa siya nu’ng lagay na ‘yun, ha? Kapag naba-bash siya, e, panay-panay ang sagot niya, kuda siya nang kuda, nakikipag-away talaga siya!

“E, teka lang naman muna, sino ba kasi ang nagpapasimuno kung bakit siya paborito ng mga bashers? Sino ba ang naglalabas ng mga video at pictures na dahilan ng bashing?

“Siya rin naman, di ba? Sa kanya rin ‘yun nanggagaling, hindi naman sa ibang tao, siya mismo ang naglalabas ng mga pictures niya na bina-bash! Magalit siya kung iba ang naglalantad ng mga kalokahan niya!

“’Yung drama niyang hiwalay na sila ng boyfriend niya, may maniniwala ba naman sa kanya? Aling Charing, bulok na ang saging! Madalas na niyang ilabas ‘yun, pero siya lang naman ang naniniwalang hiwalay na sila!

“Break na pala sila, e, bakit pa siya sumasamang mamundok du’n sa guy? ‘Yun ba ang hiwalay na, para pa rin silang mga sawang bitin kung maglambingan?

“Tantanan na niya ang kagigimik, atupagin na lang niya ang career niya, napag-iiwanan na siya ng mga kasabayan niya, sa totoo lang!” napapai­ling na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Ara lock-in muna bago planuhin ang kasal

Nakakuwentuhan namin ang engaged nang si Ara Mina sa kanyang boyfriend na si Dave Almarinez nu’ng isang gabi. Sa boses pa lang ni Ara ay tumatawid na sa amin ang kanyang kaligayahan.

Pagkatapos nga naman ng kanyang napakahabang biyahe sa pakikipagrelasyon na ang karamihan ay pagkabigo ang resulta ay heto at malapit na siyang ihatid sa altar ng lalaking dinisenyo para sa kanya ng kapalaran.

Si Tita Rexy Tiang­co, pareho naming kaibigan ni Ara, ang nagtulay sa aming kuwentuhan. Magkakasama sila nina Joy Lim at Teresa Loyzaga, regular silang nagkikita-kita, para sa kanilang mga kuwentuhan.

“Nagpaalam ako kay Ara kung puwede kong pik­tyuran ang singsing na ibinigay sa kanya ni Dave nu’ng mag-propose sa kanya. Pumayag naman si Ara.

“Napakaganda ng ring, 4 karat ‘yun, white gold na may nakapalibot ding mga diamonds. Perfect ang bato, walang carbon, walang dumi, I should know, dahil alahera ako,” kuwento ni Tita Rexy.

Hindi pa masabi ni Ara kung kailan ang kasal nila ni Dave, kahapon ay bumalik siya sa lock-in taping niya para sa Ang Pro­binsyano, paglabas daw niya sa lock-in ay saka pa lang sila mag-uusap-magpaplano ng kanyang karelasyon.

Walang dudang kayang-kaya siyang bigyan ng magandang buhay ng kanyang mapapangasawa, mula sa buena familia si Dave Almarinez, bukod pa sa pagiging undersecretary nito sa PITC.

“Talaga pong nagpapasalamat ako dahil heto na, natagpuan ko na ang taong magmamahal sa akin at mamahalin ko rin,” pahayag ni Ara.

Palagi namang ganu’n. Sa bilyun-bilyong tao sa buong mundo ay pala­ging may nakalaang makakambal ang ating puso. Tadhana ang nagbibigay, kapalaran ang nagdidikta, tulad ng buhay-pag-ibig ni Ara Mina na dumaan sa napakahabang biyahe na pinagdaanan niya pero sa wakas ay duma­ting na ang kanyang mapapangasawa.

Isa si Ara Mina sa iilang perso­nalidad na mahal ng mga manunulat dahil alam niya ang pinasok niyang mundo. Hindi siya nagtatanim ng galit sa mga reporter na pumipitik sa kanya.

Marespeto siya sa aming propes­yon. Nananatili ang paggalang niya sa mga manunulat na alam niyang mala­king bahagi ng popularidad na niya­yakap niya ngayon.

vuukle comment

BABAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with