^

PSN Showbiz

Ejay, itinuloy ang panata

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ejay, itinuloy ang panata
Ejay at Jana

Sa Oriental Mindoro sinalubong ni Ejay Falcon at kasintahang si Jana Roxas ang bagong taon. Umuuwi ang aktor taun-taon sa lugar kung saan siya lumaki upang magbigay ng kaunting regalo para sa mga kaanak at mga kababa­yan. “Parang panata ko na po ito simula nong nag-PBB (Pinoy Big Brother) at ayokong mawala ito o mahinto kahit anong pagsubok pa ang dumating. Nakakatuwa dahil nakapagbigay din po ako sa isa pang barangay na malapit sa amin,” kuwento ni Ejay.

Sa loob ng mahigit isang dekada ay palagi ring nagsasasagawa ng sports festival ang binata sa kanilang bayan. Napahinto lamang ngayon ang paliga ni Ejay para sa mga kabataan dahil sa pagkakaroon ng pandemya. “Med­yo malungkot lang po dahil ‘yung inaabangan ng mga kabataan na sportsfest, ‘yung basketball league taun-taon ay hindi namin nagawa. Pero sana ngayong 2021 bumalik na sa normal ang lahat at magawa na namin ‘yon. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko ‘yung mga bata at higit sa lahat ‘yung ngiti nila at saya ng mga senior citizens dahil kahit na paano, sa maliit na pamamaraan ay napasaya namin po sila,” pagbabahagi ng aktor.

Ayon kay Ejay ay hindi naging madali para sa kanila ng nobya ang pag-uwi sa Mindoro dahil sa safety protocols na ipininatutupad dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Mahirap po sa totoo lang, napakahirap talaga. Mula sa pag-uwi pa lang na kailangan ng swab at RTPCR negative result para di ka ma-quarantine. Kasi siyempre iisipin mo rin ‘yung dadatnan mo na dapat maging safe rin sila kaya kailangan talagang sumunod sa safety protocols. Sabi ko nga, gagawa ng paraan ang Diyos basta maganda ang hangarin mo,” pagtatapos ng binata.

Charlie, may mga pinanghihinayangan

Nagtapos na noong January 7 ang pagpapalabas online ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2020. Masaya naman si Charlie Dizon dahil patuloy pa ring mapapanood ang Fan Girl na kanyang pinagbibidahan sa ktx.ph. “Nakakalungkot pero mapapanood pa rin naman nila after MMFF. Sobrang saya ko sa lahat ng nangyari sa Fan Girl. Lagi ko iniisip na gusto ko manalo (ng award) ang pinagdadasal ko,” nakangiting pahayag ni Charlie.

Matatandaang nasungkit ng dalaga ang MMFF 2020 Best Actress award para sa naturang pelikula.

Kahit maganda ang kinalabasan ng Fan Girl ay nakaramdam naman ng panghihinayang si Charlie dahil hindi ito napanood sa mga sinehan dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Nanghihinayang ako na paano siya mapapalabas sa panahon ngayon na pandemya. Tapos nung lumabas na siya, tapos tinangkilik, may pros and cons ‘yung digital release ng pelikula. Kasi ‘yung pros is mas madali kumalat ‘yung magandang balita sa social media. ‘Yung cons siyempre ang daming namirata agad. Kaya hati pa rin ‘yung feeling. Nanghihinayang ako na walang premiere night or walang float. Pero at the end of the day maganda pa rin ‘yung mga nangyari. Kaya mas okay na maging grateful na lang kung ano ‘yung nangyari. ‘Yon na lang ‘yung iniisip ko,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

EJAY FALCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with