^

PSN Showbiz

Mga anak nina Gladys at Christopher, enjoy kahit hindi nakakalabas ng bahay

TAKE IT TAKE IT! - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Mga anak nina Gladys at Christopher, enjoy kahit hindi nakakalabas ng bahay

Siguro ang pinaka nag-enjoy sa pandemic na ito ay ang mga anak nila Gladys Reyes at Christopher Roxas. Kasi nga there was a time na talagang sobra ang load ng trabaho ni Gladys kahit pa nga sabihing meron siyang time management, siyem­pre medyo kulang pa rin iyon oras niya para sa bahay.

Kalokah din kasi itong si Gladys na bukod sa trabaho, kung anu-anong negosyo ang pinapasok na talaga naman para bang ayaw talagang magpahinga. Eh biglang nag-quarantine at nagka-pandemic, so stop muna ang ibang ginagawa.

Kaya hayun, buong panahon nasa bahay at kasama ang mga anak na tuwang-tuwa dahil home study sila at nasa tabi ang nanay para mag-tutor.

Kaya nga instead na ma-sad ang mga bata na hindi lumalabas, hayun enjoy kasama ang mother at father nila.

Monching at Lotlot, mabait at magalang

Kasama sa type na type ko sa showbiz dahil mabait at magalang ay sina Monching Gutierrez at Lotlot de Leon. Mahal ko sila kahit nun pa, kaya never akong magagalit sa mga anak nila.

Iyon reaction ko kay Janine Gutier­rez noon ay more of a disappointment kesa galit. Kasi nakita ko nung nag-uumpisa pa lang si Janine ay hindi naman siya arrogant o mayabang kahit pa nga sabihing nagtapos siya sa Ateneo. Mukha ngang tulad ng nanay Lotlot niya at lola Pilita Corrales ay magaling siyang makisama, hindi nilo-look down ang mga kapwa niya artista.

Iyon magbigay siya ng opinyon sa kaedad niyang artista, tanggap ko, pero ‘pag senior sa kanya, ka edad ng mga magulang niya, at nakikita naman niyang kaibigan ng mga lolo at lola niya, sana dahan-dahan siya sa opinyon.

Ranking ang tawag dun, meron kang kapantay, meron mas matanda sa iyo, meron mas bata, dapat adjusted ka. Kung anuman ang nasa loob mo, igagalang namin, karapatan mo iyon. Meron tayong respeto sa kanya-kanyang opinyon. Iyon lang sana, titingnan mo rin iyon ranking nila, iyon parang lolo o father mo ang sinabihan mo at sinaktan.

Once and for all, wala akong galit kay Janine. I love Monching and Lotlot. I am talking as an elder, more mature than Janine.

Kung pakiramdam niya ay unfair, nasa kanya na iyon. Basta isa akong matanda na may opinyon sa ginawa ng mas bata. Tapos na ang usapan dito, move on na tayo.

vuukle comment

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with