^

PSN Showbiz

Sunshine, takot sa private parties

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, takot sa private parties
Sunshine

“Kung ako ang nanay, hindi ko papayagan ang mga anak ko na makipag-party kasama ang mga taong hindi ko kakilala, kahit sabihin pa nilang kaibigan nila ang mga iyon. Lalo na nga sa kaso ko na ang mga anak ko puro babae at nasa edad na sila na puwede nang mag-party. Pero salamat na lang sa Diyos hindi rin mahilig na maglalabas ng bahay ang mga anak ko,” sabi ni Sunshine Cruz.

“May mga bata namang tala­gang outgoing. At tayo naman alam natin na maraming nangyayaring ganyang parties. Pero ang private parties na iyan, intimate parties na iyan, hindi mo alam talaga kung ano ang mangyayari. Hindi ko sinasabing may masamang nangyari doon sa kaso, it is not for me to judge people, ang sinasabi ko naroroon ang possibility na may ibang mangyayari.

“Aminado naman silang lasing sila. At may cases na alam natin may ginagamit na party drugs. Iyan ang masamang influence sa atin ng ugaling dayuhan na natututuhan ngayon dahil masyadong exposed ang mga bata sa ganoong culture.

“May internet pa. When we were young, at ilang taon lang din naman ang nakararaan, wala kaming mga ganyang klaseng parties. Ang mga party noon, tayu-tayo, maraming taong invited, iyon ang alam nating party, hindi iyang ganyang intimate parties na ginagawa sa mga hotel room. Ang mga party na alam natin noon sa malalaking venue o sa ballroom ng hotels, hindi sa kuwarto.

“Isa pa, siguro nasa kinagisnan iyan ng mga bata eh. Ako kasi in spite of all the problems we had, I always make sure na iyong bahay namin is a home. Iyong bahay namin masaya, that you will never think of leaving the house para ka lang mag-enjoy. I make sure na ang mga anak ko enjoy sa bahay, kaya hindi sila luma­labas nang ganyan,” mahabang komento ni Sunshine tungkol sa kina­lakihan niyang environment.

Dagdag pa niya “Ang father ko musician. Iyong family nila talagang mga performers. Exposed sila sa mga malalaking parties and gatherings, pero ganoon siya eh, he makes sure na masaya kami sa bahay kaya hindi kami palalabas. Lumabas lang ako noong nag-aartista na ako, pero dahil pagod din sa trabaho, wala akong lakwatsa. Para sa akin mas masarap na magkaroon ng private time sa bahay.

“Siguro kung ganoon ang attitude ng mga tao, hindi mangyayari iyang mga kaguluhan sa parties na ganyan,” pagtatapos ni Sunshine.

Jenine, panay ang kanta sa apo

All the while, tahimik lang at hindi nagsalita si Jenine Desiderio tuwing tatanungin siya tungkol sa pagbubuntis ng kanyang anak na si Janella Salvador. Kahit na nang sundan niya iyon, kasama pa ang anak niyang lalaki sa UK, hindi pa rin siya nagsalita bagama’t sinasabi na nga ng mga tao na susunod siya roon para alagaan ang kanyang anak na “manga­nganak”.

Pero isang bagay lang, hindi nag-deny si Jenine kailanman na buntis nga si Janella.

Ngayon inilabas na nila sa publiko ang panganganak ni Janella, at ang pictures ni Jude, lumabas na rin si Jenine. Sa documentary video tungkol kay Jude, may isa pang parte na kinakantahan siya ni Lola Jenine ng kantang Hey Jude ng Beatles.

Tapos may lumabas pang isang cute ng picture ng mag-lola na kung saan karga ni Jenine ang kanyang unang apo. Mukhang masyado pang bata si Jenine para maging lola, pero ano nga ba ang magagawa mo eh maaga ring nagkaroon ng anak si Janella.

Kadramahan ng female personality, hindi na pinapatos

“Kasi lahat ginawa na niya. Kumanta siya walang pumansin sa kanta niya. Gusto siguro niyang mag-artista pero hindi naman siya maganda. Kaya ganyan iyan, lahat ng bagay pinakikialaman kasi naghahanap ng papansin iyan sa kanya. Ganyan talaga ang ugali ng mga batang “ugly duckling” sa simula pa lang,” sabi ng isang female star na inis din sa isang pakialamerang personality na post nang post nang kung anu-ano sa social media. “Di ba dahil sa pakikialam niya madalas napapahiya pa siya,” dugtong pa noon. Aywan kung hindi naman nahahalata ng social media personality na nagiging antipatika nga siya sa mga tao dahil sa pinagpopo-post niya sa internet.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with