^

PSN Showbiz

Zia at Ziggy, malabong mawalan ng yaya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Zia at Ziggy, malabong mawalan ng yaya
Zia at Ziggy

Isang magandang gesture ang ginawa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang staff. Pinaligaya nila nang lubos ang kanilang household staff nang bigyan nila ito ng mga regalo na talaga namang hindi nila malilimutan. Ima­gine mo na sa isang pangkabuhayan showcase  ay tuwang-tuwa lalo na sa raffle na ginawa nilang para sa okasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Makikita mo talaga ang pagpapa-halaga nila sa mga kasama nila sa bahay, hindi nila kinalimutan na bigyan sila ng mga bagay na pakikinabangan nila. Imagine, ‘yung canned goods na puwede nang magsimula ng isang maliit na negosyo at puwedeng lumago basta alagaan lang.

Para bang hanggang paglaki nina Zia at Ziggy ay hindi na aalis pa ang mga staff nila dahil nga sa bait ng mag-asawa at mapagmahal sa kanila. Bongga talaga dahil lahat maligaya sa household ng mga Dantes. Hindi lang pamilya nila, pati staff nila.

Kaya no wonder, walang trouble sa paradise ng mga Dantes.

Grabe na talaga ang gulo sa mundo ha. ‘Yung nangyari sa Wa­shington na gulo na apat pa ang namatay dahil sa ginawang rally ng mga supporter ni Do­nald Trump dahil feeling nila na ito ang nanalo at hindi si Joe Biden.

Kalokah na ang seat of democracy ng mundo. Iyong hindi pagtanggap ng mga supporter ni Trump na natalo ito ni Biden ay hindi pa nangyari ito sa history ng USA na naging violent ang tao dahil sa resulta ng eleksiyon.

Para tuloy maiisip mo na baka resulta rin ito ng climate change na pati mga utak ng tao affected na.

Kalokah talaga dahil imagine mo apat ang namatay at marami ang     nasaktan. How sad na maraming mga pangyayari na hindi inaasahang magaganap.

Hay naku, kaya ayaw  umalis ni covid-19, kasi nga ang gulu-gulo natin, kaya hayan, ang tagal na niya dito sa mundo, kelan kaya siya mag goodbye?

 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with