^

PSN Showbiz

Charlie nababaguhan sa mga nangyayari sa kanyang career

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Charlie nababaguhan sa mga nangyayari sa kanyang career
Charlie

Nababaguhan si Charlie Dizon sa mga pangyayari sa career niya ngayon.

Ito ay matapos nga siyang tanghaling best actress sa Metro Manila Film Festival 2020 na officially nagtapos kahapon, for the movie Fan Girl.

Siya ang sinasabing breakout star of 2021.

Kaya naman biglang ingay ang pangalan niya sa social media. “Nagulat ako sa rami ng taong nagko-congratulate, tapos parang naging busy ‘yung social media ko bigla. Tapos naging sunud-sunod ‘yung mga ganap,” sabi niya sa media conference the other night para sa Horrorscope.

Bukod sa may pinatunayan siya sa aktingan, advantage rin ni Charlie na magaling siyang mag-Korean dahil nga nag-training siya noon sa Korea kung saan niya nakilala si Nancy of Momoland dahil dream niyang maging K-pop member. Pero nagkaroon noon ng conflict sa contract kaya naudlot ang pangarap niya. “Dati po nag-training po ako sa Korea. Nagpa-audition po kasi sila dito, sobrang ni-novena ko po ‘yun. Si Nancy ka-agency ko dati.

“Five hundred po kami noon tapos ako po yung pinapunta sa Korea. Pero nagkaroon po ng problema sa contract sa POEA. Hindi po nag-match ‘yung contract sa conditions ng POEA, so hindi po natuloy,” naalala niya sa isang interview.

Na-blessing in disguise na rin dahil ngayon, sunud-sunod nga ang projects niya.

After Fan Girl, ngayon ay isa siya sa mga bida ng bagong original horror anthology series ng iWantTFC na mapapanood na sa buong mundo simula Enero 13.

Tampok din sina Elisse Joson, Patrick Quiroz, Fino Herrera, Iyah Mina, at Paolo Gumabao, maghahatid ng katatakutang nakaukit sa mga bituin ang Horrorscope. Ito ang mga kasunod na kabanata ng Scorpio episode ni Jake Cuenca sa Sitsit, na napapanood na rin ngayon sa iWantTFC.

Sa Virgo episode sumabak si Charlie bilang si Ronalyn, isang baguhan at maprinsipyong pulis. Mapipilitan siyang mapasama sa grupo ng mga baluktot na “ninja cops” na kinabibilangan ng mga boss niya, kapalit ng pagtaas ng kanyang ranggo.

Para makapasok sa grupo, kailangan niyang patayin ang isang bihag na drug runner, na makikilala niya bilang ang dating kasintahan niyang si Dado (Fino Herrera). Ngayon, kailangang mamili ni Ronalyn kung gagawin niya ang tama alang-alang sa sinum­paang tungkulin o isalba ang sarili niyang buhay.

Sa Leo episode naman, gagampanan ni Iyah Mina si Leona, isang fashion designer na dinadalamhati ang pagkamatay ng kanyang mas nakababatang boyfriend na si Jonas (Paolo Gumabao). Dahil sa kagustuhang makasama itong muli, kukuha siya ng espiritistang bubuhay sa katawan ni Jonas.

Ngunit karma ang magiging bunga ng kasakiman ni Leona, dahil maaaring buhay niya rin ang kapalit at ang inaasam ng namayapang minamahal.

Mapapanood naman sa Libra episode si Patrick Quiroz bilang ang sakristang si Ponce na tutulong sa isang pari na mapalayas ang masamang espiritung sumapi sa misteryosong babaeng si Clarissa (Elisse Joson). Sa pag-usad ng ritwal, unti-unting lalakas si Clarissa kasabay ng paglaki ng tiyan niya para ipanganak ang isang demonyo.

Para pigilan ang pagkakasilang ng anak ng kadiliman, magdedesisyon ang pari na patayin ang babae. Ngunit alin ang mas babagabag sa konsensya ni Ponce – ang pagpatay sa isang inosenteng babae o ang pagkakasilang ng demonyong magpapahamak sa sangkatauhan?

Ang Horrorscope ay nilikha, iprinodyus, at idinirek ni Ato Bautista, na siya ring nagdirek ng unang kabanata nitong Scorpio sa Sitsit movie series ng iWantTFC.

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with