^

PSN Showbiz

Mga Villar, epektibo ang mga empleyado

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga Villar, epektibo ang mga empleyado
Villar

Lagi kong sinasabi na sa lahat ng political staff na na-encounter ko, pinaka-efficient, pinaka-polite at fast workers ang Villar staff. Halos 25 years ko nang ka-deal ang mga ito mula pa kay Ditas Magno, hanggang ngayon kay Avec Amarillo, Nini Rubio, Anna Mae Lamentillo, unbeatable ang nakita kong work nila bilang frontliners ng mga Villar.

Kaya nagtataka ako sa mga naririnig kong chika na may mga staff daw na magri-resign, retire, o lilipat dahil sa restructuring o management changes na gagawin. ‘Yung konek, PR, comfortability, matagal nang established iyon. Hindi lang pera ang puwedeng gamitin para maging efficient, effective ang staff, mala­king bagay din ‘yung nagawa niya na connection dahil sa pakikisama.

‘Yung trust at respect, mahirap ang foundation at hindi overnight, puwedeng gawin ng bagong employee. Kung retirement, puwedeng mag-stay as consultant pa rin ang isang staff dahil mahirap ngang ipasa na lang bigla ang trabaho niya sa papalit, o puwedeng hindi pa rin niya kabisado ang mga makaka-deal niya. ‘Yung magre-resign, parang malaking tanong dahil ano ang dahilan?

Nakita mo kung gaano ka-loyal at ka-close ng boss, bakit biglang magri-resign? ‘Yung malilipat, bakit ililipat eh ang tagal ng nariyan, kahit nakapikit alam na ang gagawin.

Sana hindi totoo, dahil ang isang matibay na foundation, ‘pag ginalaw puwedeng bumagsak.

Matibay na haligi ng mga Villar ang kanilang employees, kita sa kanila kung bakit matagumpay ang Villar Group of Companies, dahil mahal nila at loyal sila, kaya kahit ano pa ang sabihin against the Villars, ituro mo lang ang mga loyal na empleyado, at sasabihin mo, ‘imposible.’

Dahil lahat sila ay patunay ng isang good management. Sana mali ang mga naririnig ko, baka naman paninira lang din ang mga ito.

Mga karumal-dumal na pangyayari, may kinalaman sa mental health

Dapat na talaga nating isa pang seryosohin ang mental health. Grabe na ang pagka-violent ng mga nagagawa ng galit sa utak ng tao. Ano ang nagti-trigger ng ganito para gawin mo ‘yung rape at pagpatay, ‘yung pagsunog sa iba at sa sarili mo, ‘yung point blank na pagbaril sa isang mag-ina na nakahandusay na? Gaano kataas ang level ng galit para magdilim ang isip mo?

How sad na para bang mas mahirap pang pumatay ng manok at mas madali pang pumatay ng tao ngayon. As if ang laki ng problema na dinadala mo para mabulag ka ng galit. Hindi ko talaga maisip ‘yung laki ng problema para magawa mo ang ganito. That horrible moment of madness, ‘yung pagpatay at rape sa stewardess, ilang buhay ang sisirain ng pangyayari?

Lahat ng naroon sa dapat ay party para magsaya, ngayon ay mga suspect na. May kasalanan o wala, sira na ng pangyayari ang buhay mo. ‘Yung mga pamilya ng sinunog na konduktora at namatay na suspect, paano na sila ngayon? Ano na ang magiging buhay nila.

‘Yung pumatay ng mag-ina, paano na ang pamilya nila at pamilya ng pumatay? Hindi lang kasi ang mga involved ang kasali rito, pati na ang pamilya nila.

Mahirap alisin ang galit sa utak at puso, pero siguro naman palalagpasin mo lang nang konti, puwede nang bawasan ang galit at baka hindi mo na magawa ang bayolente mong balak. ‘Yang galit na iyan hindi dapat nariyan, alisin iyan, kon­ting dasal lang, puwede nang burahin iyan. Let’s value life, iisa lang iyan.

vuukle comment

VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with