^

PSN Showbiz

Alden gustong maging international star!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Alden gustong maging international star!
Alden
STAR/ File

Aww...

Ginagawa na lang parking area ang harapan ng dating restaurant nila Alden Richards sa may Timog Area.

Nag-last day ang Concha’s restaurant last December 31.

Affected ang mga restaurant sa nasabing area dahil pa rin sa pandemic.

Bukod sa maraming takot pa ring mag-dine out dahil sa bagong variant ng coronavirus na mas mabilis umanong makahawa, maraming nagtitipid ngayon, siyempre.

Anyway, bukod sa pagnenegosyo, marami pa ring gustong ma-achieve si Alden lalo na sa kanyang career ngayong Bagong Taon at isa na rito ang pagsabak sa international acting roles.

Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Alden na kabilang sa mga plano niya this year ang makakuha ng projects abroad.  “Isa ‘yon sa mga top priorities for next year. Para something new rin. Para level up din ‘yung trabaho natin.”

Magiging busy ang 2021 para kay Alden dahil may mga naka-linya na agad siyang series, pelikula, at TV show.

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang New Year’s resolution, simple lang at straightforward ang naging sagot ng Kapuso star. “Sa 10 years ko sa industry, ang New Year’s resolution ko talaga is really not to make any para walang pressure. It’s just about self-recreation and being a better version of you than last year. Move forward lang and be better with your decisions.”

Nagdiwang si Alden ng ika-29 niyang kaarawan noong January 2 at bagama’t intimate lang ang kanilang naging selebrasyon, puno pa rin siya ng pasasalamat sa mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with