^

PSN Showbiz

Pamilya nila Tonton, parang nasa abroad ang pakiramdam sa Baguio

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pamilya nila Tonton, parang nasa abroad ang pakiramdam sa Baguio

Inggit na inggit ako kila Tonton Gutierrez na buong pamilya ay umakyat ng Baguio for the New Year. Kasi nga sanay ang mga anak nila na pagsalubong sa New Year, usually nasa abroad sila, Hong Kong or Japan, pero now sa Baguio na lang sila pumunta dahil nga mahirap magbiyahe dahil sa health restrictions.

Eh ang sarap daw sa Baguio dahil sobra sa lamig at para kang nasa US na umuusok ang bibig mo ‘pag nagsalita ka sa sobrang lamig. Saka ang sarap daw ng fresh fruits at vegetables na araw-araw nilang kinakain. Talaga raw feeling mo nasa ibang lugar ka dahil nga very serene at hindi gaanong masikip ang Baguio dahil konti lang siguro ang umakyat para mag-celebrate doon, o baka maraming bawal na rin kaya medyo maingat.

Talaga raw naka-winter clothes sila sa lamig.

Nice naman dahil nga matagal ding nag-lock in si Tonton at na-miss niya ang dalawang anak na babae, kaya nag-bonding time sila nitong New Year.

Sabi ko na sa iyo, Salve at Gorgy, Baguio, Tagaytay, Boracay, Palawan na lang tayo ngayon, wala na munang travel abroad, local tours muna ang i-enjoy natin.

There is more fun in the Philippines, ‘di ba, Sec. Berna Romulo-Puyat?

Bong, sabik na sa Agimat…

Malapit na ang paglabas ng Agimat ng Agila, kaya humarap na sa showbiz press si Bong Revilla para magbigay ng updates. Tuwang-tuwa siya na maganda ang resulta ng kanilang lock-in taping, at walang naging aberya kaya naman naging maganda ang resulta ng serye na si Rico Gutierrez ang nagdirek. Kasama rito ni Bong sina Benjie Paras, Sanya Lopez at Michelle Dee.

Sa tagal ng hindi pagharap ni Bong sa camera, talagang sobra ang excitement niya sa project na ito na talaga namang isa sa dream project niya. Salamat sa GMA 7 na talagang very supportive sa career ni Bong. At sana nga magustuhan ng manonood, dahil talagang lahat ay ginawa nila para mapaganda ang project na ito. Agimat ng Agila, malapit na.

Pagbabalik ng sigla sa showbiz, inaasahan ngayong 2021

First Tuesday of 2021 kahapon kaya naman napanood na naman ang Take It… Per Minute, Me Ganun natin nina Cristy Fermin at Mr. Fu, Salve. This year sana ay masaya for showbiz ang mga balita at sana magbalik-sigla na ang movie industry.

Ang gaganda ng mga isinali sa festival, pero dahil bago ang format ay hindi gaanong kinagat ng moviegoers.

Inggit nga ako kina Cristy, Japs Gersin at Tina Roa dahil napanood nila ang halos lahat ng pelikula at tuwang-tuwa sila na magaganda ang entries.

Movie addict din si Mr. Fu kaya sure na pinanood niya ang lahat ng movies. Sana, mga balita sa mga bagong ginagawang pelikula at serye ang maibigay nating update sa followers natin.

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with