Heart excited sa gagawin sa Sorsogon
Katulad ng fans niya, sabik na rin ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa TV comeback niya ngayong taon sa upcoming teleserye na I Left My Heart in Sorsogon.
Iikot ang kuwento sa isang fashion socialite na babalik sa kanyang probinsya kung saan siya ay muling mapapalapit sa kanyang pamilya, komunidad at dating kasintahan.
Sa Twitter ay ibinahagi ni Heart ang excitement sa new show, “Yes for my upcoming teleserye – I left my Heart in Sorsogon – you will see a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon!”
Aww, bukod sa makakaarte na siya na parang walang effort, todo pa ang magiging promo niya sa probinsya ng mister niyang si Gov. Chiz Escudero.
- Latest