^

PSN Showbiz

Andi, walang eklat ang pag-iwan sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andi, walang eklat ang pag-iwan sa showbiz

‘Pag sinasabi ng mga artista na gusto na nila ng ordinary life, parang eklat lang. Kasi nga, madalas nilang sabihin pero hindi rin naman nila magawa.

Pero after seeing Andi Eigenmann enjoying her simple life, away from the hustle and buzzle of her life in showbiz, naniwala na rin ako na talagang merong puwedeng tumalikod sa glitter at popularity na tinatamasa niya.

Tingnan mo si Andi, magiging tatlo na ang anak niya, pero ‘yung simple pa ring buhay sa Siargao ang gusto niya. Hindi niya sinasabi na tatalikuran niya ang showbiz, pero nandu’n siya, patunay na hindi mo lang basta pinapangarap ang kaligayahan mo sa buhay, ginagawa mo.

Kung may gusto siyang role, tatanggapin at gagawin niya, tapos balik-probinsya na siya.

Iyon ang happiness niya, so nandu’n siya.

Ang daming nagsasabi, after this and that, retire na, pero hanggang ngayon, kahit halos extra na lang ang role, hayun at nasa harap pa rin ng camera. Hindi maiwan ang showbiz, hindi kayang talikuran at maging ordinaryo ang buhay.

Pero pinatunayan ni Andi na kaya pala, madali lang at wala palang dapat ipanghinayang, at mas matindi ‘yung hanap mo na katahimikan ng loob.

Buhay ni Claudine walang hinto ang chika

Naguguluhan na ako sa mga pangyayari kay Claudine Barretto.

Sabi ni Atty. Ferdie Topacio ay naputulan ito ng kuryente, pero sabi naman ni Claudine ay hindi totoo. Hindi nga ba meron ding directive ang gobyerno na wala munang puputulan ng basic services habang may pandemic kahit hindi updated ang pagbabayad?

Baka nga naman iba ang dahilan kung bakit walang ilaw noong Pasko sila Claudine, at inakala lang ni Atty. Ferdie na nagkaroon ng cutting ceremony ang Meralco? Pero ano man ang dahilan kung bakit walang ilaw sa bahay nila Claudine ay sana naayos na. Ang hirap nang walang ilaw ha at ang hirap kumilos.

Hindi yata talaga mahihinto ang news about Claudine Barretto, dahil parang ang exciting ng buhay niya ngayon, dagdag pa na hindi pa rin tapos ang legal battles nila ni Raymart Santiago.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with