^

PSN Showbiz

Sunshine ayaw pang isipin ang pag-aasawa

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine ayaw pang isipin ang pag-aasawa
Sunshine
STAR/ File

Hindi maitago ang pagkaasar ni Sunshine Cruz sa isang bastos na basher na nag-comment sa inilabas niyang picture sa kanyang social media account. Actually inilabas ni Sunshine ang picture para lang maipakita sa fans at iba pang interesado kung papaano sila nag-celebrate ng kanilang New Year.

Aba, bigla ba namang may isang heckler na nagsabi na ang boyfriend daw ni Sunshine ay “kalbo” at may bastos pang tanong na kasunod. Halatang inis si Sunshine at sinabing “oo nga kalbo, pero mas edukado siya kaysa sa iyo.”

Natawa na lang si Sunshine nang may isa namang netizen na nagpadala pa ng picture ng heckler na ang sabi kay Sunshine ay “huwag mo nang pansinin eh siya nga pangit.”

Ang nasabi na lang ng aktres ay “talagang kung minsan iyong mga ganyan ang mas matindi pang mamintas.” Isinunod din niya na nang makilala niya si Macky Mathay na boyfriend niya ngayon ay tatlong taon na silang hiwalay ng kanyang asawa. Hindi masasabing nakipag-split si Sunshine dahil sa boyfriend niya ngayon. Ang controversy noon kung natatandaan pa ninyo ay ang natsismis na relasyon ni Cesar Montano sa starlet na si Krista Miller na nang malaunan naman ay nadampot ng pulisya dahil sa kaso ng droga.

Ngayon ay may sarili na rin namang buhay si Cesar. Nagkaroon siya ng isang anak na lalaki sa dating beauty queen na si Sandra Siefert, at may mga anak na rin sa kasakuluyan niyang live in partner na si Socorro Angeles. Public knowledge naman iyan at hindi rin itinatago ni Cesar. Bakit naman niya itatatago eh mga anak niyang totoo ang mga iyon.

Si Sunshine naman, bagama’t annulled na ang kasal nila ni Cesar ay gusto raw munang mailagay sa tamang estado ang buhay ng kanyang mga anak bago niya isiping mag-asawa. Naghihintay pa rin kasi ng annulment ng kanyang kasal sa dating asawa si Macky.

Talagang sa internet, hindi mo maiiwasan ang may mga ganyang bastos. Malakas nga ang loob nilang mambastos sa internet dahil hindi sila talagang nakikilala eh.

James at Nadine, ‘di nagtagumpay sa scripted na breakup

Bakit may naniwala ba doon sa balitang nag-split sina James Reid at Nadine Lustre? Kami kasi kahit na isang segundo hindi kami naniwala sa pakulong iyon. Maliwanag na iyon ay isang publicity stunt lang para malaman kung may mangyayari sa kanilang career kung paghihiwalayin sila.

Una, kailangan din namang isipin iyon. Hindi mo mapanghahawakan ang sinasabi ng fans na habang panahon silang nakasuporta sa love team.

Isa pa, kailangang isipin din iyon noon ng Viva dahil aalis na nga sa kanila si James Reid at ang iniisip nila ay maiiwan pa sa kanila si Nadine hanggang 2029 nga. Kaso pumalpak ang dalawang magkasunod na pelikula ni Nadine na hindi si James ang kasama. The same way na tumagilid din naman ang career ni James nang sabihing split na sila ni Nadine. Palagay nga namin, isa iyan sa mga dahilan kung bakit umalis si Nadine sa Viva.

Parang insurance iyon eh. Aalis si James sa Viva pero kukunin pa rin siya para itambal kay Nadine, at siyempre iba na ang presyo dahil wala na siyang kontrata. Eh noong mukhang hindi naman kakagat ang producers, umalis na sila pareho, at sinabi ni Nadine na hindi na siya happy sa kanyang management company. Pero kung iisipin mo naman, may career ba siya bago siya napunta sa Viva?

Katatapos lamang ibalita ng mga nag-pralala sa kanila na split na sila eh nakikita silang magkasama sa mga bar sa Makati. Kami nga mismo ay nakita namin sa isang restaurant sa Makati, Valentine’s day ay naroon si Nadine, wala si James pero ang kasama niya ang tatay ni James. May split bang ganoon?

MMFF 2020, pinakabagsak

Matatapos na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) at siguro nga masasabi sa kasaysayan ng festival na itong nakaraang festival ang siyang pinaka-flop sa lahat ng panahon. Dati ang pinaka-flop ay iyong MMFF noong 2016 na puro mga pelikulang indie ang kanilang inilabas. Ngayong taong ito, indie at low budget films na nga lang ang palabas, wala pang sinehan at ipinalabas lamang sa internet.

Hindi talaga puwede na ipalabas ang isang pelikula sa internet lamang. Ang naipapalabas lang na straight to internet ay iyong mga bading series na ginagawa nila ngayon.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with