^

PSN Showbiz

Init nina Gerald at Yam, balik na sa lock-in

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Init nina Gerald at Yam, balik na sa lock-in
Gerald , Yam at JM
STAR/ File

Back-to-work na nga ang karamihan sa mga taga-showbiz.

Ang mga taga-production ng ilang lock-in ­tapings at shootings, kahapon pa lang ay abalang-abala na sa pagpa-follow-up ng schedule ng mga artista. Panay na ang pagre-remind nila sa ma­nagement team ng mga artista ng kanilang shows at movies para sa mandatory quarantine bago magsimula ang lock-in work uli.

Ang tsika sa akin, ang cast ng Init sa Magdamag na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman na malapit na ring mapanood sa ABS-CBN (Kapamilya Channel, iWantTFC, A2Z at sa social media entertainment accounts nila plus The Filipino Channel around the world) ay nag-COVID-19 swab test na raw kahapon.

Bale sa January 8 daw ang pull-out nila pa-Rizal dahil doon ang location nila. Pang-cycle 4 na raw ang lock-in taping nila na mag-start on January 9 na tatagal daw hanggang sa January 27 at may exit swab test na naman sila ng January 28.

Yes, Ateng Salve, kung mag-swab test bago mag-lock-in taping, may tinatawag din silang exit swab test para sure na sure na negative sa virus ang lahat ng mga uuwi mula sa kanilang set, huh!

Ang bongga lang, ‘di ba? Magastos nga lang talaga dahil ‘yung swab test, mahal din ang bayad lalo na at maraming involve sa production ng bawat lock-in project. Saka may nagbabantay rin na health and safety officer na galing sa LGU (local government unit) na nagsisiguradong nasusunod lahat ng protocols na pinatutupad.

May isang artista nga na nakakuwentuhan ko na nagsabing ilang beses na raw siyang nasita ng health and safety officer na nagbabantay sa kanilang set. Kailangan daw kasi, before and after ng bawat take, naka-mask at face shield ka. Eh, minsan daw after ng kanyang eksena, nakakalimutan daw niya na magsuot kaagad ng mask at face shield, ayun, napagsasabihan daw siya. “Mahigpit talaga ang mga bantay!” sabi ng aktor na nakatsikahan ko. “Saka tumitigil talaga ang taping namin kapag time na to sanitize the set. Sa buong maghapon na taping namin, ilang beses na sina-sanitize ang set!”

Well, ganoon naman talaga ang “new normal” na talaga sa mga lock-in project para sa safe na safe ang lahat sa virus, huh!

Mga bisita ni Ruffa, pinapa-swab muna

Hindi lang naman sa mga lock-in project uso ‘yung may pa-swab test.

Noong New Year’s eve na nagpa-dinner si Ruffa Gutierrez sa bahay niya sa Alabang, dahil hindi lang pamilya niya ang mga bisita niya, may pa-swab test din siya. Ilang mga kaibigan nga ni Ruffa na nagpunta sa kanyang bahay ang nag-swab test on the spot para alam ng aktres na safe lahat sila na nandoroon. Ang pamilya naman ni Ruffa, regular ang swab testing.

Kuwento sa akin ni Annabelle Rama, halos weekly ang swab testing nila, kasama na ang ibang mga kasama niya sa bahay.

Noong dumalaw nga kami sa mag-inang Assunta de Rossi at Baby Fiore, biniro ko si Bisaya na i-present namin ang PCR swab test namin at naka-ready siya. Naka-save sa kanyang cellphone ang latest PCR swab test niya.

Sabi ni Assunta, hindi naman daw kailangan dahil alam naman niya na negative kami sa virus, but just the same, pinakita ko sa kanya ang parehong PCR swab test namin ni Bisaya na nagpapatunay na pareho kaming negative sa COVID-19.

Mas may peace of mind nga naman ang kaharap mo kapag alam na nagpapa-PCR swab test ka lalo na sa situation ko na hindi tumitigil sa pagtatrabaho, huh!

Anyway, ganoon din ang situation sa bahay ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lah­bati, ang mga lumalabas, regular na may swab testing.

Samantala, isa sa mga kaibigan ni Ruffa na bisi­ta niya sa New Year’s eve dinner sa bahay nila ng mga anak na sina Lorin at Venice ay si Phoemela Baranda na ang laki na ng tiyan at obviously ay malapit-lapit na ring manganak.

vuukle comment

GERALD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with