^

PSN Showbiz

Female personality walang pagbabago, nagpapa-ospital pa rin ‘pag naisipan kahit walang sakit

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin makaligtas sa mga bashers ang isang kilalang female personality. Wala na siyang ginagawang mga proyekto ngayon, kanyang-kanya ang oras niya, pero tinatawag pa rin siyang drama queen.

Pagdating daw kasi sa pagdadrama ay walang makaka­kabog sa female personality. Sa kahit anong anggulo ay siya lang ang makagagawa ng mga dramang ikinatataas ng kilay ng mga utaw pero parang totoong-totoo para sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng una, e, marami pang naniniwala sa mga kadramahan niya, pero nu’ng paulit-ulit na, e, pinagtatawanan na lang ng mga kasamahan niya sa trabaho ang mga pinaggagagawa niya!

“Dagat ang eksena, kailangang magbabad siya siyempre dahil ang character niya ang bida sa serye, biglang ayaw na niyang lumusong sa dagat! Nagtaka siyempre ang production, napakahalaga niya sa eksena, pero tumatanggi siya!

“Kinausap niya ang EP, hindi kuno siya puwedeng pilitin, nangangati na raw ang buong katawan niya dahil nagsisimula na ang kanyang allergy!

“Ipinakita niya pa ang braso niya na parang may pula-pula, tanda ng allergy, pero buking na buking naman na kinurut-kurot lang niya ang arms niya para magkaroon ng mga patse!

“Inis na inis ang production, kinailangan muna nilang kunan ang iba pang mga eksenang hindi siya kasama. Wait-to-death sila hanggang sa puwede nang lumusong sa dagat ang kanilang bida!

“At wala pang ten minutes, siya pa mismo ang nagsabi sa EP, puwede na siyang kunan sa dagat dahil nawala na ang mga allergy niya!

“Ang trulili, e, wala naman talaga siyang allergy, tinopak lang siya, nag-inarte lang siya, kaya ayaw niyang magbabad sa dagat!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Hanggang ngayon ay ganu’n pa rin ang female personality. Kapag naisipan niyang magpaospital, kahit wala naman siyang sakit, go siya sa ospital.

Sabi uli ng aming source, “At ipo-post niya na agad ‘yun, ha? Close-up pa ang braso niyang may dextrose! Nakakaloka ang babaeng ‘yun, kung anu-ano ang pinaggagagawa!

“Magtrabaho na kasi siya para abala ang isip niya! Para hindi siya nabuburyong! Para hindi na siya pinoproblema pa ng sister niyang balon ng kanyang biyaya!” napapailing at madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Nora hindi na nanghihinging special treatment

Kung narinig-napanood lang ni Nora Aunor ang mga papuri sa kanya ni Direk Joel Lamangan nang mainterbyu namin ang henyong direktor sa Cristy Ferminute ay siguradong magiging dagdag-inspirasyon ‘yun sa kanya bilang aktres.

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Direk Joel, “Walang ipinagbago ang acting ni Nora, mata pa lang niya, nagda-dialogue na. Kung gaano siya kahusay umarte nu’n, hindi nagbago ‘yun, napakagaling talagang umarte ng Superstar!”

Sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na pinagtambalan nila ni Phillip Salvador sa MMFF ay may isang eksenang minarkahan namin. ‘Yun ang tagpo habang nagsasalansan si Nora ng mga ibinibilad nilang daing.

Nakasumbrero siya, takip ang mga tao sa paligid, biglang dumating si Michael de Mesa para ilapit ang asawa niyang nawala nang dalawang dekada at muling bumabalik sa kanilang mag-iina.

Nag-angat ng ulo si Nora, kinikilala niya ang kasama ng kaibigan niya, nang mamukhaan niyang ang lalaking nang-iwan sa kanya ang nandu’n ay biglang nagbago ang kanyang itsura.

Dahan-dahan ang shot, close-up, ang ordinaryo niyang itsura ay biglang nagbago. Makikita ang galit, ang pagkamuhi, wala siyang binitiwang dayalog. Hayup!

‘Yun ang mahikang meron ang isang Nora Aunor. Nakikipag­komunikasyon ang kanyang mga mata, hindi siya namumuhunan ng laway para sa anumang kailangan niyang sabihin sa eksena, kakambal ng inunan ni Nora Aunor ang tunay at natural na pagganap nang ipanganak siya.

Kuwento nga ni Direk Joel Lamangan ay mas lumalim pa ngayon ang kanyang pagganap at pagmamahal sa kanyang propesyon. Tapos na ang panahong nahuhuli siya sa calltime.

“Ngayon, maaga siyang dumarating, isang oras bago mag-umpisa ang shooting, nandu’n na siya, nakahanda na, kabisado na ang mga dialogues niya.”

At pagkatapos ng kanyang mga eksena ay nauupo lang siya sa isang tabi. Walang hinihingi, walang espeyal na pagtratong hinahanap mula sa produksiyon, magaan katrabaho.

vuukle comment

UBOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with