^

PSN Showbiz

Claudine, nagpaliwanag kung bakit nawalan ng kuryente ang bahay nila

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Claudine, nagpaliwanag kung bakit nawalan ng kuryente ang bahay nila
Claudine

Bago magtapos ang taong 2020, nagpaliwanag si Claudine Barretto tungkol sa isyung naputulan daw ng kuryente ang bahay niya.

Nagpaliwanag ang aktres sa pep kaugnay sa isyung ito.

Si Atty. Ferdie Topacio ang nagkumpirma nito nang mag-guest sa Take It… Per Minute, Me Ganun nina Nay Lolit Solis, Tita Cristy Fermin at Mr. Fu.

Pero sabi ni Claudine, tila nagkaroon lang daw ng hindi pagkakaintindihan nang magkausap sila ni Atty. Topacio nang dumalaw ito sa bahay niya na madilim, walang tao at guard lang daw ang nandu’n.

Wala nga raw silang kuryente ng araw na iyon dahil may nasira raw na wall sa bahay niya dahil binaha sila noong bagyong Ulysses.

May nasirang circuit sa bahay na kailangang ayusin. Kaya pansamantalang tumuloy daw muna sila sa hotel, at bandang huli ay sa condo unit na raw ni Mommy Inday.

Sabi pa ni Claudine, sa katunayan daw ay may pumunta pa raw na taga-Meralco para i-check kung totoong naputulan nga ba sila dahil hindi naman daw sila nagpuputol ng linya.

Dagdag pang kuwento ni Claudine, kahit daw may brownout sa village nila, sila lang daw ang may ilaw dahil may generator daw sila na malaki. ‘Yung ginagamit daw sa shooting ang generator nila, kaya kahit madilim daw ang karamihang kabahayan sa kanilang village sa Quezon City, maliwanag daw sila dahil sa may mala­king generator nga raw sila.

Tinanong namin si Atty. Topacio tungkol sa isyung ito, ayaw na niyang palakihin pa ito. Tapusin na raw iyon at mag-move on na raw sa isyung iyon, dahil ang mahalaga ay back to work na raw ang bestfriend niya.

Noong nakausap din namin si Atty. Topacio bago mag-New Year, hangad naman niyang maayos at bumalik na ang ilaw sa bahay ni Claudine bago mag-New Year.

Sanggang dikit nina Derek at Andrea, laglag na

Kahit taped ang Countdown to 2021 ng GMA 7, maganda pa rin ang kinalabasan at maayos ito. Nagustuhan namin ang segment ng countdown na kung saan binalikan nila ang ginawa nilang countdown 20 years ago.

Ito ‘yung pagpasok ng millennium na ginanap pa sa Ayala, Makati. Kinanta ni Julie Anne San Jose ang Written in the Sand na likha ni Agnes Caballa at ang musika ni Danny Tan.

Sa pagkakaalala namin, si Regine Velasquez pa ang kumanta nito 20 years na ang nakararaan, at ngayon ay si Julie Anne. Wala na si Regine sa GMA 7, kaya hindi na siya ipinakita.

Si Julie Anne na ang nangunguna sa mga magagaling na singers ng Kapuso network, kahit nandiyan pa naman si Lani Misalucha.

Kitang-kitang masaya ang Kapuso stars sa kanilang countdown dahil exci­ting ang mga nakalaang programang aabangan sa 2021. Ang daming malala­king programa ang papasok, lalo na ang drama series.

Sa mga inilahad na mga bagong programa ng GMA 7, mabibigyan ng pagkakataon ang mga dati ay nagsu-support lang. Bida na si Kelvin Miranda sa The Lost Recipe kasama si Mikee Quintos. Leading lady na rin si Shaira Diaz sa Lolong kasama si Ruru Madrid.

Ang napansin lang namin, wala na sa line-up ng mga bagong programang gagawin ng GMA ang Sanggang Dikit na dapat ay pagsasamahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Sa Legal Wives na si Andrea, at si Derek ay meron na raw ipini-pitch ang GMA 7 sa kanya.

Ang isa pang nakakatuwa ay susundan na agad ang The Clash na papasok na sa season 4. Maganda ang resulta ng season 3, kaya susundan na agad at ibabalik na rin ang Centerstage na singing competition ng mga bata na hinu-host ni Alden Richards.

Pagkatapos ng countdown ay sinilebrayt na rin ang birthday ni Alden na ipinagdiwang niya ngayong araw.

 

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with