^

PSN Showbiz

Ogie magiging busy na uli, raymond ayaw nang mag-expect

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ogie magiging busy na uli, raymond ayaw nang mag-expect
Ogie

Happy New Year, Ateng Salve!

Naku, wish ko na lalo pang bumongga ngayong 2021 ang Pilipino Star NGAYON na kahit pa nga matindi ang naging banta sa mga buhay natin ng COVID-19 pandemic ay hindi nagpatinag ang favorite tabloid nila, huh!

Ang bongga lang dahil nagtuluy-tuloy lang tayo noong 2020!

At least, alive and kicking pa rin tayo ngayong 2021! So nice!

Anyway, ilang mga celebrity na malalapit sa akin ang tinanong ko ng mga wish nila for the New Year, pati na rin ng expectations nila sa kapapasok lang na 2021.

Si Raymond Gutierrez na kasama ng mag-sweethearts na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez (sobrang close ng twin-brother ni Richard Gutierrez sa pamilya Nuñez dahil parang se­cond mom na niya si Marilen Nuñez na nanay ng boyfriend ni Maja) sa El Nido, Palawan, inistorbo ko kahapon para tanungin nga tungkol sa bagay na ‘yan.

Pero kung ang wish niya ay, “I’m just wishing good health for my family and good vibes for 2021!” ay hindi naman siya nag-e-expect na ng anything para sa New Year na ito.  “I don’t wanna expect because I tried that last year (2020) and non of my plans happened! Hahaha!” ang explanation niya.

Pero, Ateng Salve, tama rin naman kasi si Raymond. Ako rin, ayokong masyadong mag-expect pa dahil wala pa ring kasiguraduhan ang lahat. Maging safe and healthy na lang siguro tayo, ‘di ba?

Ang twin-brother naman ni Raymond, ay nagsabi na ang wish niya ay maging better tayong lahat ngayong 2021. “My wish, na ang 2021 ay maging better for everyone. For people to rise against all odds. For abundance in peace and happiness!” sey ni Richard.

Agree rin ako kay Richard sa bagay na ‘yan. Ang ganda lang kung magiging better para sa ating lahat ang 2021.

Saka abundance in peace and happiness, ang ganda, ‘di ba?

Naku, sa sinabi niyang “abundance” ay bigla ko tuloy naalala ang “kapitbahay” natin dito sa PSN na si Boy Abunda.

Ang bongga lang na hindi nakalimot si Kuya Boy sa mga taong malalapit sa kanya, lalo na sa entertainment press noong Christmas.

So nice of Kuya Boy!

Naku, si Sarah Lahbati naman, obvious na mag-asawa talaga sila ni Ri­chard dahil ang sagot niya sa akin ay kahawig din ng sinabi ng kanyang mister.

“My wish is for a better 2021 for everyone and for everyone to rise again from 2020!” sey ni Sarah.

Ang singer/songwriter naman na si Ogie Alcasid ay sinabing, “I really just want safety for everyone. Wishing that all will be safe on the coming months.

“Hopefully our new shows will also be success. New season of Your Face Sounds Familiar and I will be judging again sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, plus may ASAP Natin ‘To pa rin!” sey ni Ogie.

Si Jed Madela naman na ginawang business ang paggawa niya ng toy collections noong 2020 ay nagsabing, “For 2021, I wish for this pandemic to finally end. Also, I wish for change!”

Ikaw, Ateng Salve, may wishes and plans ka na ba for 2021?

Naku, pag-isipang mabuti, lalo na ang mga iwi-wish dahil sabi nga, “be careful what you wish for,” pero kung puro positive naman ang wishes mo at hindi lang para sa sarili mo, hindi na kailangang maging careful, careful, huh!

 ‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with