^

PSN Showbiz

Talentadong female personality na nagpadagdag ng dibdib, ‘di pa rin sumikat-sikat

Roland Lerum - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maganda. Kaya nga napabilang ito o napahilera sa naggagandahang dilag ng Pilipinas.

Talented. She can sing well. Also, she can host. Minsan na nga itong nakapag-host ng TV show na hindi nga lang nagtagal sa ere at ewan kung bakit naka-one season lang ito o wala pa?

Kung tutuusin, masarap sanang i-handle ang ganitong talent. Puwedeng pasikatin lalo pa at may taglay ding alindog o kaseksihan si girl.

Mid last year ay napabalitang nagpadagdag daw ito ng sukat ng dibdib dahil gusto na rin nitong magpaseksi. Makisabay kina Ivana Alawi, Yam Concepcion etc. at tuluyan na nitong bibigyang-pansin ang acting career.

Pero bakit nga ba sa dinami-rami ng oportunidad na ibinigay sa kanya kasama na ang acting ay ‘di pa rin umuusad ang showbiz career nito?

Dapat na nga bang mag-decide si girl kung singing o acting ang pagtuunan niya ng pansin?

But one is enough wika nga at mag-focus sa isa. Unahin na muna niya ang pag-awit dahil maganda naman talaga ang boses niya. Nakakakanta siya nang live with any musical instruments, saan ka pa, hindi siya lip singer ‘no.

Pero ang puna ng iba, sana raw ay bigyan din niya ng konting space ang sarili sa taong nakadikit sa kanya na sinasabing ito ang balakid sa dapat sana’y magandang takbo ng career niya? Right direk?

Boy, ‘di mapapantayan

Siya ang itinuturing na pinakamatagumpay na talk show host ng bansa na nakilala sa The Buzz, Private Conversation With Boy Abunda at TWBA (Tonight With Boy Abunda).

Lagi na, walang nagkakatulad sa kanyang style ng interview. Laging may kakanyahan at sariling tatak ang bawat interbyu na inuupuan niya. Puwedeng hindi kasing-exciting ng ibang conversation ang iba pero isang bagay ang laging mahalaga: may istorya!

Hindi si Kuya Boy ang tipo na uupo na lang sa isang interbyu. Masusi niyang pinaghahandaan ang lahat. Walang patlang ang ginagawa niyang pagri-research. Kahit anong pagod at puyat binabasa niya ang lahat ng available mate­rials tungkol sa kanyang subject. Plus, ang mahiwaga niyang salamin.

Sa kalaunan, nagkaroon ng fast talk at naging pangiliti na sa mga TV viewers ni Kuya Boy ang katanungang  “sex or chocolate?” na naging kontrobersyal sa masa at ‘di malilimutang panayam.  

Kaya naman, walang kupas ang husay niya. Nag-iisa sa kanyang trono at malabong mapantayan ng mga nagsusulputang mga host. 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with