^

PSN Showbiz

Legal Wives ni Dennis, pinakamalaking proyekto ng Kapuso ngayong 2021

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Legal Wives ni Dennis, pinakamalaking proyekto ng Kapuso ngayong 2021

May mga magbabalik at may mga bago ring palabas na handog ng GMA Network sa pag-uumpisa ng 2021.

Bagong hapon ang hatid ng bagong GMA Afternoon Prime line-up na pangungunahan ng inaabangang pagbabalik ng Magkaagaw.

Mas iinit ang hidwaan sa pagitan nina Laura (Sunshine Dizon) at Veron (Sheryl Cruz) ito ay matapos mahuli ng anak ni Laura na si Clarisse (Klea Pineda) ang relasyon nina Jio (Jeric Gonzales) at Veron.

Samantala, matutuklasan na ni Maggie (Kyline Alcantara) mula sa kanyang inang si Nolie (Mylene Dizon) ang katotohanang anak siya ni Anselmo (Zoren Le­gaspi) sa fresh episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Magsasama-sama naman ang malalaking pangalan para sa serye na aantig sa inyong mga puso – Babawiin Ko Ang Lahat. Ito ang magsisilbing kauna-unahang lead role ng pro­mising drama actress na si Pauline Mendoza kasama sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia-Lapid, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea, at John Estrada.

Friendship over na nga ba para kina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo)? Abangan ang pagbabalik nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie, at Jay Manalo sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Waray sa GMA Telebabad.

Tutukan naman ang fresh episodes ng top-rating family drama series na Love of My Life sa GMA Telebabad. Simula noong Lunes ay napapanood na muli ang mga bida nito na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Coney Reyes sa recap ng serye.

Kaabang-abang din ang reunion nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa Kapuso rom-com series na Owe My Love. Makakasama nila ang mahuhusay na Kapuso stars na sina AiAi delas Alas, Ruby Rodriguez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Buboy Villar, at Kiray Celis.

Samantala, inaabangan na rin ng lahat ang fresh team up nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion para sa Kapuso rom-com series na First Yaya sa GMA Telebabad. Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Maxine Medina, Pilar Pilapil, Cassy Legaspi, at JD Domagoso.

Isa naman sa pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group ngayong 2021 ang cultural drama series na Legal Wives na pagbibidahan ni Dennis Trillo. Gaganap dito si Dennis na isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

vuukle comment

DENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with