^

PSN Showbiz

Bahay nila Claudine, naputulan ng kuryente noong pasko

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bahay nila Claudine, naputulan ng kuryente noong pasko
Claudine
STAR/ File

Grabe naman, naputulan pala ng kuryente sila Claudine Barretto.

Ang ilang neighbors nila ang nag-chika na diumano’y madilim nga ang kabahayan nila Claudine sa may Katipunan.

Sakto naman na kahapon ay dumalaw si Atty. Ferdie Topacio sa Take It... Per Minute, Me Ganun! dahil super friends niya ang tatlong host ng programa na sina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, at oo nga raw, kinumpirma niya, kahit siya ay nagulat nang dumaan siya sa bahay ng BFF niya ay wala nga itong kuryente.

Nag-stay daw sa kanyang mommy Inday sila Claudine habang putol ang kuryente nito sa bahay.

Pero nakabayad na raw ito kaya maliwanag na maliwanag na ang bahay nila sa pagsalubong ng bagong taon.

Aww baka naman, na-overlooked lang nila ang bill dahil holiday season or possible kaya na walang pambayad sa kuryente si Claudine?

Pero ang isang nakakalokang nabanggit ni Atty. Topacio ay ang diumano’y message ng mga anak niya (Claudine) para sa kanilang daddy Raymart Santiago.

Nag-text daw ang mga bata sa ama na nagki-crave raw sila sa pizza at kung puwedeng pa-Gcash naman ng pang-pizza. Sagot diumano ni Raymart, kakapadala lang niya ng P400 para pang-McDo.

Eh ipinakita ni Claudine ang nasabing messages ng mga anak kay Atty. Topacio dahil nasa shooting sila noon ng Mamasapano kung saan may special participation si Claudine.

Ayaw pa raw sana ng actress na tanggapin ang honorarium na binibigay ng Borracho Films, pero ipinilit na ito ng producer na abogado plus special blowout din sa mag-anak bilang talent fee na rin dahil nga wala raw talagang binibigay na support ang aktor kay Claudine at sa mga anak nito.

Tanong ni Nay Lolit, bakit wala siyang pambayad ng kuryente, eh may pambayad siya sa abogado? “Pro bono, BFF kami at sinabi ko sa kanya andito ako for her all the time,” sagot ng abogado ng Mamasapano victims na ngayon ay isang producer na rin.

May pina-plano siyang (Atty. Topacio) movie for Claudine at sa isa pang niyang alagang si Myrtle Sarroza.

Yup, marami siyang plano kay Myrtle next year kaya niloloko siya nina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu na baka naman... Pero tawa lang ang sagot ni Atty. Topacio.

Siya kasi ang nag-produce ng first major concert ni Myrtle last November na parang isang live concert daw kahit napanood virtually.

Si Claudine naman ay isang heavy drama raw ang ipo-produce niya na may working title na Nang Lumuha ang Langit na si Eric Ramos ang magsusulat.

Samantala, sa blind item ng TIPMMG, isang Kapuso actor pala ang laging nasa casino lately. Pero hindi nagso-solo ha. May kasama, either, ba­ding or matrona raw ayon sa source ng TIPMMG.

Anyway, episode 81 na yesterday ng Take It... Per Minute, Me Ganun!

Yup, 19 episodes na lang makaka-100 na ang TIPMMG na kinaaaliwan ng mga kababayan natin sa abroad na naghahanap ng libangan.

Sa mga hindi napanood ng live kahapon ng TIPMMG puwedeng maki-Team Replay sa Facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

And by the way, bukas ang pahinang ito sakaling may sagot si Raymart tungkol sa issue sa kanila ni Claudine.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with