^

PSN Showbiz

Justin Dizon, unang na-evict sa PBB Connect

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Justin Dizon, unang na-evict sa PBB Connect
Justin Dizon

Nagpaalam na sa bahay ni Kuya noong Linggo ng gabi (Dis­yembre 27) si Justin Dizon bilang unang evictee ng  PBB Connect makatapos makakuha ng -2% ng pinagsamang Kumu at text votes.

Ibig sabihin nito, mas maraming votes to evict na natanggap si Justin kaysa sa votes to save. Nakakuha naman ng combined Kumu at text votes si Mika Pajares ng 3.30%, habang 12.64% ang natanggap ni Aizyl Tandugon.

Kahit siya ang kauna-unahang pinauwi ng taumbayan at Kumunity, bakas sa mukha ni Justin ang pasasalamat na maging bahagi ng PBB Connect.

Ani Justin, ang mahalaga ay nagpakatotoo siya.

“Despite what transpired in the house, I just want to say I kept it real. I came here to be me. I came here to be honest. Ang importante ay nagpakatotoo ako at babaunin ko ang lahat ng natutunan ko kay Kuya pati sa kapwa housemates ko,” paliwanag nito.

Dahil sa pagkaka-evict ni Justin, ligtas na muli ang housemates na sina Aizyl at Mika, pero magkakaroon na muli ng second nomination night ngayong gabi (Disyembre 28).

Samantala, may tatlo pang official housemates na papasok sa bahay ni Kuya na napili ng PBB Kumunity mula sa 117 aspirants sa Kumu. Kasalukuyang nasa quarantine na sina Amanda Zamora ng San Juan City at Glenda Victorio ng Rizal matapos pumasa sa medical, psychological, at COVID tests, habang hinihintay na lamang na makarating si Gail Banawis mula sa New York City.

Mainit ang naging suporta ng PBB Kumunity sa 117 aspiring housemates dahil nakalikom ang  PBB Connect ng kabuuan na 1,107,881,850 diamonds.

 Sinu-sino kaya ang susunod na housemates ang magiging nominado for eviction? Kailan papasok sa bahay ni Kuya ang tatlong bagong housemates?

Maaalala ngang humingi na ng patawad ang PBB Connect housemate na si Justin sa kanyang mga nabitawang salita kay Jie-Ann Armero kaugnay sa hindi madalas na pagligo ng kapwa housemate.

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with