^

PSN Showbiz

Pamilya ni Direk Peque Gallaga may galit sa MMFF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Fan girl pinakyaw ang award!

Tama nga ang hula ng karamihang hahakutin ng pelikulang Fan Girl ang awards sa Metro Manila Film Festival.

Na-sweep nito ang major awards na Best Picture, Best Director (Antoinette Jadaone), Best Actor (Paulo Avelino), Best Actress (Charlie Dizon), pati ang Best Editing, Best Cinematography, at  Best Screenplay.

Nakuha naman ng pelikulang The Boy Foretold by the Stars ang 2nd Best Picture, Best Original Theme Song at ang special prize na Gender Sensitivity Award.

Ang pelikulang Tagpuan naman ni Cong. Alfred Vargas ang nagwaging 3rd Best Picture na ikinatuwa na ng actor/politician. Siya na rin ang tumanggap ng Best Supporting Actress award ni Shaina Magdayao na leading lady niya sa naturang pelikula.

Kasama sa nominadong Best Picture ang pelikulang Magikland at nakakuha ito ng amin na award pero wala sa top three Best Picture. Mga technical awards ang nakuha nito na Best Musical Score, Best Visual Effects, Best Production Design, ang special prize na FPJ Memorial Award, Best Virtual Float, at Special Jury para kay direk Peque Gallaga.

Sa pelikulang Suarez: The Healing Priest iginawad ang Gatpuno Antonio Villegas Award.

Nakakuha naman ng award na Best Child Performer si Seiyo Masunaga ng The Missing.

Isang oras lang ang buong seremonya ng pamamahagi ng award na tumayong hosts sina Marco Gumabao at Kylie Versoza.

Hindi na nagawa ng MMFF na ibigay agad ang trophy sa mga winner, pero halos lahat naman ay agree sa choices ng mga hurado.

Pero pagkatapos ng awarding ay nakarating sa amin ang kuwentong galit ang asawa ni direk Peque Gallaga na si Maddie Gallaga dahil hindi  daw sila nasabihan na gagawaran pala ng Special Jury award ang namayapang director. Sana nasabihan daw sila na bibigyan ito ng naturang award para natanggap niya ito virtually.

Kasama rin daw sa ikinagalit nito ay ang ginawa nilang spiel na kung saan binanggit doong produkto ni direk Peque sina direk Erik Matti at direk Richard Somes.

Ipinarating sa akin ang text message ni direk Lore Reyes na dismayado sa ginawa ng MMFF.

Aniya; “Matti inserted the name of his first cousin Richard Somes as a ‘product of Peque’s workshops’. Big lie. Peque didn’t know Somes from Adam until he was a judge in a filmfest where Yanggaw was an entry. Maddie is so mad, and also because MMFF never even bothered to inform the widow that Peque was getting an award. She’s really upset.”

As of this writing ay gusto pang magsalita ni Maddie at ni direk Lore kaugnay sa pagkadismaya nila sa ginawa ng MMFF.

Wala pang sagot sa amin ang taga-MMFF kaugnay dito.

Paulo inalay sa anak ang award

Inalay naman ni Paulo Avelino ang kanyang Best Actor award sa nag-iisang anak niya kay LJ Reyes na si Aki.

Bahagi ng acceptance speech niya sa virtual awarding ng MMFF: “Pinapanalangin ko na uma­yos na ang lahat. Kumapit lang tayo… na giginhawa ulit ang pamumuhay natin. This is for you Aki.”

Maingat naman ang sagot sa akin ni LJ nang kinumusta ko si Aki. Tinanong ko kung nagkasama ba silang mag-ama noong nakaraang Pasko.

Hindi raw sabi ni LJ dahil pandemic at hindi naman lumalabas si Aki. Pero may komunikasyon naman daw silang mag-ama at wala namang problema.

Tipid ang mga sagot ni LJ na naintindihan ko namang umiiwas lang na magkaisyu pa.

Sen. Bong, malungkot sa pagpapakasal ng kanyang baby

Napangiti na lang sa akin si Sen. Bong Revilla nang magkausap kami tungkol sa engagement ng anak niyang si Gianna Revilla.

Sinabi ko kasi na para sa akin, parang bata pa rin kasi si Gianna na siya pa naman ang pinakamalambing sa lahat na mga anak nina Sen. Bong at Mayor Lani. Napabuntong-hininga si Sen. Bong na ramdam kong tila hindi pa siya handang magpakasal na si Gianna.

Ang proposal ni Jed Patricio kay Gianna ang isa raw sa masayang regalo sa kanila noong nakaraang Pasko. Pero sinabi niya sa kanyang Facebook post na hindi niya maiwasang malungkot dahil baby pa rin daw ang turing niya rito. “Honestly, nagulat ako anak. Medyo nalungkot dahi baby girl pa rin kita. Pero siyempre, nandun ako kung ano ang ikakasaya mo. Papa and Mama love you,” bahagi ng post ni Sen. Bong.

Ito kasi ang pinaka-close sa lahat na mga anak ni Sen. Bong. Kaya niyang pagtripan ang Papa niya, at siya lang ang nakakagising kay Sen. Bong dahil takot ang ibang anak na gisingin ito.

Sa totoo lang, nasaksihan kong si Gianna ang isa sa nagpapasigla kay Sen. Bong kapag nalulungkot ito sa Camp Crame. Kaya hindi ko ma-imagine kung ano ang drama ng father of the bride kapag dumating na ang araw ng kasal nina Gianna at Jed Patricio.

Ilan sa mga ninong at ninang sa binyag noon ni Gianna ay sina Manay Lolit Solis, Lorna Tolentino at direk Chito Roño.

Sila rin kaya ang tatayong ninong at ninang sa kasal?

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with