^

PSN Showbiz

Kumalat na ari ni Paulo, retokado!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kumalat na ari ni Paulo, retokado!
Paulo

Mukhang malakas nga itong Metro Manila Film Festival entry na Fan Girl nina Paulo Avelino at Charlie Dizon dahil patuloy pa rin siyang pinag-uusapan.

Sa pangalawang araw ng MMFF, kaagad na nagreklamo ang producer nito dahil sa  napirata na ang naturang pelikula.

Pati ang pelikulang Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim ay napapanood na raw ang malinaw na kopya nito sa Facebook at YouTube.

Pati nga pala ang Isa Pang Bahag­hari ay may nagpirata na rin. Kaya susuportahan ng MMDA at MMFF ang pagsampa ng kaso ng dalawang producers at umaaksyon na raw ang kapulisan ng Quezon City na mahuli ang namimirata ng naturang pelikula.

Kaya patuloy na nakikiusap ang mga taga-MMFF na sana itigil na ang pamimirata dahil hirap na hirap na nga ang producers natin na mabawi ang ipinuhunan nila sa pelikula nila, tapos nanakawin pa.

Samantala, nag-viral din ang kumalat sa Facebook na prosthetics ng ari ni Paulo. Pinag-usapan kasi ang frontal nudity ng aktor sa eksenang umiihi ito.

Nasilip ito ng fan na fan niyang si Jane na ginampanan ni Charlie Dizon, at itinext pa sa mga kaibigan na nakita raw niya ang ari ni Paulo, at ang laki!

Ganundin ang reaksyon ng mga manonood, lalo na ang mga kabadingan na sinasabi nilang ang laki pala ng ari ni Paulo.

Pero kumalat na rin sa Facebook ang kuha ng prosthetics ng isang ari na ginamit kay Paulo. Ikinabit sa aktor at iyon ang nakita sa pelikula.

Inurirat kay Paulo ang tungkol sa frontal nudity sa kanilang digital conference ng naturang pelikula. Aniya; “Ahhm, actually, to be honest, parang... para sa akin, hindi naman talaga kailangan pero kung mapapanood n‘yo iyong eksena, mas nae-enhance niya... iyong nangyayari.

“So, kumbaga, kung ipapaintindi mo sa audience... audience mo na ano, na nasa level three lang ito... ito, kapag napanood nila, umaangat iyong gustong ibigay nu’ng eksena para umabot sa level ten, parang ganu’n. At feeling ko, nag-work naman. Saka hindi ko lang alam, baka gusto lang talaga ring makita ni Direk Antoinette (Jadaone) ‘yun.”

Kung sabagay, hindi na sana ang frontal nudity ni Paulo ang pag-usapan kundi ang ganda ng pelikula. Magaling sila ni Charlie at marami na nga ang humuhulang masusungkit nila ang acting award.

Paolo, hindi pumayag sa prosthetics

Bukod sa Magikland, ang dami rin palang lumabas na special guests sa Suarez: The Hea­ling Priest.

Ang kagandahan lang sa Magikland, maganda at nabigyan ng highlight ang mga nag-guest. Hindi sila nagmukhang mga guest o may special participation dahil mahalaga ang role na ginampanan.

Kuwento nga sa akin ni Paolo Contis na gumanap bilang si Boris sa naturang pelikula, wala pa raw apat na oras siya sa shoot. Very systematic daw sa set at naalagaan sila nang husto.

Ayaw lang daw niyang magpalagay ng prosthe­tics, dahil sayang nga naman na kumuha pa sila ng mga kilalang artista tapos tatakpan lang ng makeup at prosthetics.

Pero okay naman ang makeup nina Mylene Dizon bilang si Usasa at si Cherie Gil bilang si Yndariel.

vuukle comment

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with