^

PSN Showbiz

Sylvia, tinuturing na swerte ang 2020

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sylvia, tinuturing na swerte ang 2020
Sylvia

Hindi na­ging madali para kay Sylvia Sanchez ang mga pagsubok na naranasan ng kanyang pamilya ngayong taon. Matatandaang nakumpirmang nagkaroon ng CO­VID-19 ang aktres at ang asawang si Art Atayde noong Marso.

Malaki pa rin ang pasasalamat ni Sylvia dahil nalampasan ang naging hamon sa buhay ngayong 2020. “Happiness at swerte itong 2020 sa buhay namin. Yes, pandemic, yes, nagka-COVID kaming mag-asawa pero nalampasan namin ‘to and naging masaya kami after noong COVID na nangyari sa buhay naming mag-asawa mas naging close. Ang daming mga hindi namin nagagawa together ng pamilya kasi busy sila. But this time, nagawa namin and ang daming dumating. Actually sabi ko nga blessings,” nakangiting pahayag ni Sylvia.

Para sa aktres ay kailangan lamang maging positibo pa rin ang pananaw ng mga tao kahit na maraming hindi magandang pangyayari ngayong taon. “’Yung sinasabi ng iba na malas-malas daw ‘tong taon na ‘to kasi pandemic. Yes, malas kasi may pandemic na dumating, pero nasa sa’yo ‘yon eh kung itutuluy-tuloy mo na iisipin na malas ang sa amin, in-accept namin na okay pandemic, may COVID, delikado, eh ‘di mag-ingat tayo. Gawin natin ‘tong positive ‘yung mga nangyayari ngayon imbes na mag-dwell tayo doon sa negative,” paliwanag ng aktres.

Jed, sanay nang kumanta sa new normal

Isa si Jed Madela sa magtatanghal para sa The Grand Countdown to 2021 New Year. New Hope. New Thrills. Virtual concert na gaganapin sa December 31 sa Resorts World Manila. Kabilang din sa naturang event sina Jona, Morisette at Jon Santos. “I feel honored to have been chosen to do this countdown. Also, I am very excited because of it being the first live onstage performance I will be doing. I remember spearheading the very first digital online concert when the pandemic started and to be the first again, to do this live performance makes it more exciting. I will be doing an entire segment all by myself. I personally chose a mix of well-loved songs everyone can relate to,” paglalahad ni Jed.

Mahigit siyam na buwan nang ipinatutupad ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Jed ay nakasanayan na rin niya ang pagkanta ngayon sa tinatawag na­ting new normal. “Honestly, after being on lockdown for months and the mere thought of knowing that the virus is still out there kind of scared me. But I guess we just have to make necessary adjustments and continue to live our lives. Of course, being knowledgeable and following safety health protocols help a lot,” pagbabahagi ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with