^

PSN Showbiz

Jinggoy tanggap kahit ‘di na-nominate na best actor

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy tanggap kahit �di na-nominate na best actor
Jinggoy

Mamayang gabi na ang virtual awards night ng Metro Manila Film Festival 2020 at marami ang nalungkot para kay former Senator Jinggoy Estrada dahil hindi siya nominated para sa family drama movie niya na Coming Home.

Actually, pagka-announce noong Thursday morning ng mga nominee sa category na ‘yon, tinanong ko na si Jinggoy kung ano ang naramdaman niya, pero, “Okey lang!” ang sagot niya.

Wala naman daw siyang magagawa sa hindi niya pagka-nominate sa best actor category at quiet na lang ang actor/politician. After din nga ng announcement na ‘yun, dumeretso na siya ng Tarlac para makiramay sa mga naulila ng pinaslang na mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio.

Nagpasalamat daw kay Jinggoy ang mga kamag-anak ng mag-inang pinaslang dahil sa pagpunta at pakikiramay niya sa kanila. Bumalik din kaagad ng Maynila si Jinggoy at dumeretso sa kanilang bahay para makasama ang kanyang pamilya sa noche buena.

Kahapon naman sila umalis papuntang Cebu kung saan sila magbabakasyon ng kanyang pamil­ya. Dahil sa bakasyon na ‘yon, sa January 4 na uli babalik ang JingFlix online show ni Jinggoy kung saan ay namimigay siya ng tulong at prizes sa mga nangangailangan.

Erik at Yeng may Christmas break

Speaking of Christmas break, ngayon naman ang punta sa El Nido, Palawan nina Erik Santos at Yeng Constantino.

Kasama nila si Chemist Pinky Tobiano na sobrang ka-close nila. Short break lang daw ‘yon.

Regine ‘di nakakalimutan nang mawalan ng boses

Alam mo, Ateng Salve, sa pakikipagtsikahan ko kay Regine Velasquez-Alcasid kaugnay ng kanyang Valentine’s online concert na Freedom (February 14, 2021), nabanggit niya na may live band daw ‘yon.

Kung ano raw ang meron sa live concert ay ganoon din daw ang gagawin nila sa Freedom na co-production nila ng sister niyang si Cacai Velasquez-Mitra with ABS-CBN Events at mapapanood via KTX.ph.

Sa tsikahan pa rin namin ni Regine, nabanggit niya ang biggest frustration niya sa pagko-concert ay ‘yung nawalan siya ng boses noong silver anniversary concert niya.

Sa lahat naman daw ng pagkakataon na puwede siyang mawalan ng boses ay nangyari pa sa mismong gabi ng concert na ‘yon na hindi raw niya malilimutan. Maalalang kahit nagpapalakpakan ang mga tao at nakikikanta pa dahil wala nga siyang boses, sa hiya ni Regine ay nag-announce siya na uulitin niya ang concert na ‘yon at puwedeng gamitin uli ang tickets.

Samantala, masaya si Regine ngayon dahil nakasama niya ang ilang mga kapamilya noong Christmas eve lalo na ang nanay niyang si Aling Tessie.

Noong Christmas day naman, pamilya ni Ogie ang nakasama nila at kasama rin ang kanyang nanay.

So nice. ‘Yun na!

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with