^

PSN Showbiz

Mga mahahalay na pelikula, tanda ng pagbagsak ng industriya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Medyo kinakabahan kami sa pasok ng 2021, mukhang mauuso na naman ang mga pelikulang pene. Isipin ninyo ang takbo ng mga nababasa natin ngayon tungkol sa mga pelikulang ipapalabas daw ngayong 2021, lalo na Ang mga pelikulang kuwento ng mga bakla, aba ang ipinagmamalaki pa ay nagbuyangyang ng private parts nila ang mga lalaki.

Kung makakalusot iyan, may gagawa na rin ng mga pelikulang pene.

Ikakatuwiran nila ay iyon ang kumikita, at tutal hindi naman sila ipapalabas sa mga sinehan kundi sa internet lang at ewan kung papaano nila maipapatupad sa internet ang MTRCB ratings. Lagyan man iyan ng X, dadalhin nila sa platforms sa abroad, mapapanood din iyan dito sa atin.

Magkakaroon na naman ng trabaho ang mga na-displace na sexy dancers sa bars, at macho dancers sa gay bars. Gagawa na sila ng pelikula.

Pero nakakatakot. Hindi iyan pag-asenso ng industriya ng pelikula kundi lalong pagbagsak. Isipin ninyo, nakagagawa na tayo ng mga pelikulang kung sabihin nga ay world class, tapos babalik ba tayo sa paggawa ng mga porno movies?

Nauso iyan noong bagong upo si Tita Cory Aquino, kasi para silang nakakawala, ang isinisigaw nila ay may freedom of expression na raw sila pagkatapos ng EDSA revolution. Gumawa sila ng mga pelikulang mahahalay, hanggang sa masulasok din ang publiko at hindi na pinanonood ang mga porno nila.

Nakakalungkot, dahil ang mga ganyang panoorin ay nagpapakita ng kawalan ng moralidad ng isang lipunan. Nakakahiya ang ganyang sitwasyon kung mauulit na naman.

Gabi ng Parangal, inaabangan kung may manonood

Ngayong gabi ang MMFF Gabi ng Parangal sa internet. Excited ba kayong mag-abang sa internet kung sino ang mananalo? Iyon nga lang ang kaibahan, sa awards may mananalo. Sa kita lahat naman sila talo.

Nakakalungkot, dahil kung iyon ngang ibang awards, pinag-usapan lamang ng ilang oras at wala na, ilang oras kayang pag-uusapan ang mga mananalo sa MMFF internet awards night? Baka nga ni hindi iyan mapag-usapan.

Malaking dagok talaga sa pelikula ang COVID. Isipin ninyo, iyan na lang MMFF, ilang malalaking pelikula na kasali sana ang hindi na itinuloy dahil wala namang sinehan. Ang nakasali na lang ay iyong lumaban na kahit sa internet na lang sila mapapanood.

Pero kakatuwa ha, nagtanong kami at walang pirated copies ng mga pelikula, pero masama ang katuwiran ng mga pirata na nagsabing “wala naman kasing naghahanap ng kopya ng mga pelikula eh.” Ibig bang sabihin hindi nila nakuha ang interest ng mga tao?

Tingnan natin kung ano pa ang mangyayaring kasunod, pero ipagdasal natin na sana matapos na ang “yawang” COVID na ito, para makapagbukas na ang mga sinehan at maging normal na pati pelikula. Marami nang manggagawa sa industriya ang gutom. Marami sa kanila ang mahigit isang taon nang walang trabaho.

Male starlet, dinaig pa ang mga prosti

Grabe ang male starlet na iyan. Aywan kung dapat nga bang tawaging artista o ano. May nagpakita sa amin ng kanyang internet posts na tuwirang tumutukoy ng prostitusyon. Kasi sinasabi niyang nakahanda siyang gumawa ng sex video kung babayaran siya ng manonood ng halagang limang libong piso, na dapat padaanin sa kanyang GCash.

Iyang mga ganyan ang nagpapababa ng tingin ng ibang tao maging sa mga lehitimong artista. Napagdududahan tuloy ang ibang artista na posibleng gumagawa rin ng ganyang kahalayan kumita lang. Aywan pero kung kami ang tatanungin, hindi iyan dapat na kunsintihin.

vuukle comment

MMFF

MTRCB

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with