^

PSN Showbiz

Vice, ‘di makalimutan ang mukha ng demonyong pumatay sa tatay

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Vice, �di makalimutan ang mukha ng demonyong pumatay sa tatay
Vice
STAR/ File

Masyado kasi tayong nasanay na basta ganitong Pasko ang inihahatid sa atin ni Vice Ganda ay puro katatawanan, kaya nga nakakapanibago nang ang marinig natin sa kanya noong isang araw ay kuwento tungkol sa malagim na kamatayan ng kanyang ama, at ang napakalungkot na pangyayaring hindi iyon nabigyan ng hustisya.

Opisyal pala ng barangay noon ang tatay ni Vice sa Tondo. May nag-away daw kaya lumabas iyon sa harapan lang naman ng kanilang bahay. Maya-maya may dumaan na lang at pinagbabaril ang tatay niya. Hindi lang iyon, kundi nasaksihan pa niya kung papaano ang ginawa sa bangkay ng tatay niya, na sinasabi niyang “parang baboy na isinakay sa jeep.”

Na-trigger ang pagbabalik sa alaala ni Vice ng isang pangyayaring sinasabi niyang “matagal na niyang gustong makalimutan” nang makita niya ang video noong hindi makataong pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac. Sinasabi nga niyang hindi niya natagalan at natapos ang video, dahil nang makita niya ang harapang pagpatay sa mag-ina, kinilabutan siya at nagbalik ang hindi magandang alaala ng kanilang buhay.

Tapos nagdasal na lang siya na sana ay huwag mangyari sa mag-ina ang kagaya ng sa tatay niya na hanggang ngayon ay hindi nabigyan ng hustisya.

May malaking kaibahan naman ang sitwasyon. Ang pagpatay sa tatay ni Vice ay nakita niya mismo, kaya sabi pa niya “tandang-tanda ko ang mukha ng demonyo.” Iyong pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, bukod sa maraming saksi ay mayroon pang malinaw na video. Maliwanag ang video at hindi maikakatuwiran ang pulis na “nanlaban kasi.” Iyan ang madalas nating marinig, “nanlaban kasi.”

Hindi ba mayroon pa ngang isang sundalo na nagkaroon ng war shock, medyo may sira ang ulo. Binaril ng pulis at sinabing nanlaban kasi. Ngayon dahil sa nakuhang video, na sinasabi ng bagong PNP chief  hindi raw dapat ginagawa, ipit ng pulis diyan. Wala siyang lusot.

Siguro hindi naman mangyayari ang kinatatakutan ni Vice na matulad ang mag-ina sa sinapit ng tatay niya na hindi nagkaroon ng hustisya.

Sunshine naka-duet ang anak

Tuwang-tuwa si Sunshine Cruz dahil sa isang television special ay nagkaroon sila ng pagkakataon ng kanyang anak na si Angelina na mag-duet. Pareho naman kasi silang singer. Si Sunshine noon ay recording artist din ng OctoArts, ngayon naman si Angelina ay recording artist na rin sa Universal Records naman.

Bihira naman kasi sa pamilya Cruz ang hindi kumakanta, kung hindi man tumutugtog ng instrumento sa musika. Doon talagang kilala ang kanilang pamilya. Maski ang tatay ni Sunshine na si Danny ay member din ng banda ng kanilang pamilya, kasama ang kapatid na si Beth na nanay naman nina Rayver at Rodjun, at siyempre si Ricky Belmonte, na matinee idol din naman noon bukod sa pagiging singer.

Actually ito na lang mga bagong sibol na Cruz ang naging mga artista sa pelikula, iyong mga nauna sa pamilya nila, puro mga musician kung hindi man singer talaga.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with