^

PSN Showbiz

Matteo, may ikukumpisal kina Martin and Pops

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Matteo, may ikukumpisal kina Martin and Pops
Pops at Martin

Alam mo, Ateng Salve, ang sarap lang dahil parehong happy ang ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa magagandang feedback sa eXes & whYs with Pops and Martin musical/talk show nila na nag-pilot telecast noong Saturday, 9:00 p.m. sa Colours channel ng CignalTV.

Marami nga ang nagkagusto sa pagbabalik-TV hosting nila together.

Iba pa rin talaga ang tambalang Pops-Martin mapa-singing o hosting, huh! Nakakabilib talaga!

Anyway, sa Saturday, abangan ang second episode nila kung saan guest nila si Matteo Guidicelli. Anak-anakan ni Martin si Matteo, kaya marami siyang naikuwento tungkol sa married life nila ng misis na si Sarah Geronimo.

Very casual nga lang daw ang kuwentuhan nina Matteo at Martin, plus Pops, at tiyak na matutuwa ang mga fan.

Inusisa ko nga ang Concert Queen kung may “pasabog” bang announcement si Matteo tungkol sa kanilang dalawa ni Sarah, pero sabi ni Pops, “Surprise! They have to watch!”

Hmph! Parang intriguing naman ‘yung dialogue na ‘yon ni Pops, huh!

Makapanood nga sa Saturday ng eXes & whYs with Pops and Martin! Sa mga walang CignalTV, puwede kayong mag-donwload ng Cignal Play for Android and iOS user at for free lang ‘yon, kaya ang bongga!

Jed nalito sa lindol at vertigo

Isa si Jed Madela sa nagising kahapon ng mada­ling araw dahil sa earthquake. Eh, hindi raw siya kaagad nag-isip na lumilindol dahil may vertigo siya at baka nga naman sumusumpong lang ang sakit niya.

Nag-check daw siya sa Facebook kung earthquake nga ba ang naramdaman niya and since marami rin ang nag-post tungkol doon, nakasigurado nga siya na lumindol nga.

Naku, Ateng Salve, noong araw talaga kapag nakaramdam tayo ng lindol, nagbubukas kaagad tayo ng radyo o TV, pero ngayon na halos lahat ay sa social media na dumedepende, talagang pati lindol ay doon na rin tsine-check ng karamihan, huh!

Sana lang, Ateng Salve, lalo na at noche buena na bukas ay wala nang natural calamity na dumating sa ating bansa at sa buong mundo. Sabi nga ng karamihang celebrity at ng mga kababayan natin, sobra-sobra na ang dinanas nating mga sakuna, kaya let’s all pray na maging safe na ang lahat!

Samantala, going back to Jed, kahit may pandemic, tuloy pa rin ang trabaho niya sa ASAP Natin ‘To at minsan ay naghuhurado pa rin siya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Bukas nga pala, may handa na raw siya for noche buena dahil mula sa Iloilo ay pinadalhan siya ng mga pagkain ng kanyang parents pati ng ilan niyang mga kamag-anak. Marami palang native dishes sa Iloilo ang nami-miss ni Jed, kaya sobrang tuwa siya na binitbit ng kanyang pinsan from Iloilo ang mga pagkaing ‘yon.

Naku, Ateng Salve, puwede ko ring sabihing “happy kid” ako kung matitikman ko na ang lava cake n’yo ni Aries, pero ‘yun nga lang, bawal muna ako sa sweets, eh. ‘Yun na!

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with