^

PSN Showbiz

Komedyana, nabawasan ang viewers sa pagmamaldita sa airport

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon ay hindi makalimutan ng mga kababayan natin ang ­naging karanasan nila sa isang popular na female personality. Sa maka­­saysayang paliparan na naman nangyari ‘yun, ang lugar kung saan nagpapalutang ng kakaibang ugali ang mga personalidad, kabaligtaran ‘yun ng imahe nila sa harap ng mga camera.

Tatlong tulog at gising na lang kasi ay Pasko na, ang panahon ng pag-uuwian ng mga kababayan nating matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa iba-ibang bansa, nu’ng wala pang pandemya.

Kuwento ng aming source, “Dati, e, sinusubaybayan nila ang mga shows ng female personality na ‘yun, pero ngayon, e, manonood na lang sila ng cartoons kesa siya ang panoorin.

“Nakasabay nila sa flight si ____(pangalan ng popular na babaeng personalidad), siyempre, masasaya sila, kasi, magkakaroon sila ng chance na makipag-selfie sa hinahangaan nilang artista, di ba?

“Galing sa bakasyon ang girl kasama ang family niya, marami sila, tuwang-tuwa ang grupo dahil mahaba ang flight, magkakaroon sila ng pagkakataong malapitan at makapagparetrato sa girl!” unang kuwento ng aming impormante.

Nakakailang oras na sila sa biyahe, pero palaging tulog lang ang female personality, sobra siguro siyang napagod sa pagbabakasyon nilang mag-anak.

“So, wala silang naging chance habang nasa biyahe sila, pero meron pang pagkakataong natitira, kapag nag-touchdown na ang plane. ‘Yun ang inabangan nila talaga.

“Lumapag na ang eroplano, nagbababaan na ang mga pasahero, du’n na lang nila aabangan ang girl sa conveyor habang kinukuha ang kanyang mga bagahe. Pero hindi sila makalapit, nakasimangot ang girl, parang nakakaamoy siya ng kung anong mabaho!

“Nag-try lumapit ang isa nilang kasama, pero hindi nag­wagi, tiningnan lang siya ng girl, hindi pumayag sa pakikipag-selfie. Nakasimangot siya palagi, ni hindi man lang bumabati sa mga tumatawag sa name niya, basta wala lang!

“Hindi na sila nagpilit, hindi bale na lang, sabi nila, tutal naman, e, marami na silang pictures na kasama ang mga mas sikat pa ngang artista kesa sa kanya!

“Pero isang realization ‘yun para sa grupo, hindi lahat ng mga artistang humahalakhak sa harap ng mga camera, e, ganu’n din sa totoong buhay! Hindi lahat ng nagkokomedya, e, masayahin din, kundi simangutera pa nga!

“Hindi na nila pinanonood ngayon ang girl, cartoons na lang ang pinanonood nila, masaya pa raw sila!” pagtatapos ng napapailing naming source.

Ubos!

MMDA asec nasobrahan na ang tabil ng dila at yabang, inaabangang makatapat si Korinya

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang matalim na pagtawag ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago ng “Demonyo kang reporter ka!” sa tinubuan na ng pu­ting buhok sa pagiging tagapagbalita na si Doris Bigornia.

Ang tinaguriang Mutya Ng Masa na si Doris, kinutya-kutya ng spokeswoman ng MMDA, kaya ang tawag na ngayon ng mga bashers sa kanya ay “Kutya Ng Masa.”

Dati nang nagkaroon ng alitan ang dalawa, ide­demanda sana ni Celine si Doris, pero may emisaryong nag-ayos sa kanila. ‘Yun daw ang pinagsisisihan ngayon ng galit na galit na tagapagsalita ng MMDA, sana raw ay hindi nito pinatawad ang reporter, pero ngayon daw ay tutuluyan na nito si Doris.

Nag-ugat ang kanilang problema sa isang kumpirmadong balita na inilabas ni Celine, pero hindi naibalita ni Doris, sa halip ay sinabi pa niya na nagdulot ‘yun ng kaguluhan sa mga motorista.

May napagtuunan na namang putahe ang social media, nakisawsaw sila sa isyu, may mga nagkokomento pa nga nang sobrang personal na tungkol sa dalawa.

Sabi ng isang netizen, “Ay, giyera ito ng magkamukha!” Isa naman ang nagkomento, “Bakit ganyan ang mga taga-gobyerno, ang yayabang! Gawin n’yo na lang ang trabaho n’yo!”

“Kung makapagsalita naman itong si Celine Pialago, akala mo naman habambuhay siya sa position! Bilang na ang mga araw mo!” sabi naman ng isa pa.

Ay, pagdating sa pagbabalita ay saludo kami kay Doris Bigornia, nu’ng may giyera sa Mindanao ay palagi siyang nakahanda anumang oras sa pagharap sa mga camera.

“E, ano ba kung hindi pa siya nakapagsusuklay at nakapagmumumog? Kapag kailangan na niyang mag-report, ready na talaga ang Ate Doris ko!” pag-alala pa ng kaibigan naming propesor.

Maraming hindi nagkakagusto sa matabil na dila ni Celine Pialago, paano raw kaya kung si Korina Sanchez ang nakatapat nito, may maihihirit ba ito?

Oo nga naman.

vuukle comment

ATTITUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with