^

PSN Showbiz

Jodi, balak patalsikin si Iza sa Ceñidoza

Pilipino Star Ngayon
Jodi, balak patalsikin si Iza sa Ceñidoza
Rita at Iza
STAR/ File

Umeksena na noong Huwebes ang karakter ni Rita Avila na si Belen sa Ang Sa Iyo Ay Akin nang lumitaw ito sa bahay ni Ellice (Iza Calzado) matapos mawala nang ilang taon at inakalang patay na. Hindi ito ikinatuwa ni Ellice dahil dumagdag pa ito sa patung-patong na mga problema niya.

Hindi na alam ni Ellice kung ano ang una niyang iisipin matapos ang sunud-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay—ang makuha ni Marissa (Jodi Sta. Maria) ang malaking kliyente at ang pagrerebelde pa ng kanyang anak na si Hope (Kira Balinger).

“Buhay kayo? Buhay kayo all these years tapos ngayon ka lang magpapakita,” sambit ni Ellice sa ina.

Gusto mang magpaliwanag ni Belen ay hindi na siya hinayaan ng anak.

“Wala kang dapat ipaliwanag. Because you are as good as dead to me. Sino ka para bumalik sa buhay ko ngayon? Anong karapatan mo? Nabuhay ako ng wala ka at hindi kita kailangan,” dagdag niya.

Samantala, determinado pa rin si Marissa na pabagsakin si Ellice. Binabalak na nga niyang alisin sa pwesto ang kaaway bilang presidente ng Ceñi­doza at kinuntsaba pa si Madam Adelina (Carla Martinez) na ibigay ang shares nito sa kompanya.

Ang  Ang Sa Iyo Ay Akin ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.

Alamin kung mananaig ang katotohanan sa mga darating na gabi sa Ang Sa Iyo Ay Akin, palabas gabi-gabi, 8:40 p.m. sa A2Z channel.

vuukle comment

IZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with