^

PSN Showbiz

Joseph, hangang-hanga kay Jodi

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joseph, hangang-hanga kay Jodi
Jodi at Joseph

Napapahanga si Joseph Marco kay Jodi Sta. Maria sa tuwing nagkakaeksena sila sa teleser­yeng Ang Sa Iyo Ay Akin. Napabilang ang aktor para sa ikalawang yugto ng naturang proyekto. “With Jodi it’s effortless naman. Kasi we all know she’s super nice and ang sarap niyang katrabaho. Ang sarap niyang kaeksena and she’s so pretty so effortless talaga. So every time talagang I’m in awe na parang like, wow,” pahayag ni Joseph.

Aminado ang aktor na kahit mayroong trabaho sa gitna ng pandemya ay nakararamdam naman ng kalungkutan dahil sa lock-in taping na ipinatutupad ngayon. Pakiramdam ni Joseph ay talagang nawawalay siya sa mga mahal sa buhay dahil sa bagong proseso ng serye. “It’s been a while since nakasama ko ‘yung mga friends ko. Tapos lumipad sa Indonesia girlfriend ko while I was in lock-in t­aping. Hindi na kami nag-abot. I was a bit emotional during the last week of our taping. But I’m happy that everybody is safe. So ‘yon lang ‘yung wish ko ngayon, na sana manatiling safe everybody and may mga less fortunate people sana okay sila ngayon,” pagbabahagi ng aktor.

Pops, nagulantang nang ma-link kay Derek

Kamakailan ay nagkahiwalay na sina Derek Ramsay at Andrea Torres bilang magkasintahan. Ngayon ay may bulung-bulungan na posibleng si Pops Fernandez diumano ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. “Ang weird naman na ako ‘yung magsasalita. Anyway, hindi po siya totoo,” paglilinaw ni Pops.

Ayon sa Concert Queen ay nagulat din siya sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa hiwalayan nina Derek at Andrea. Wala umanong kaalam-alam si Pops kung bakit siya ang itinuturong dahilan sa paghihiwalalay ng dating magkasintahan.

Ang tanging ikinalulungkot ni Pops ay ang mga taong madaling napaniniwala sa malisyosong balita katulad nitong kinasasangkutan niya ngayon. “No one really bothered to find out the truth about it. Wala akong masabi na iba about it because I also don’t know how it started. I can count the times that I have seen Derek and during those times we were also with Andrea. After that, hindi na po, we don’t talk to each other. We don’t really text each other. Maybe siguro nagkikita kami ng mom ni Derek but for another reason and purpose. But other than that, not at all,” paglalahad ng Concert Queen. (Reports from JCC)

vuukle comment

JODI STA. MARIA

JOSEPH MARCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with