^

PSN Showbiz

MTRCB card, extended!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MTRCB card, extended!
Chair Rachel Arenas
STAR/ File

Sana talaga ay maging normal at magbukas na ang mga sinehan next year at makabalik na rin ang mahihilig sa pelikula sa panonood ng sine.

This year, hanggang March lang nagkaroon ng chance na makapanood sa movie theater.

Nagkaroon naman ng drive-in and floating cinema sa Taguig, pero iba pa rin siyempre ang normal theater.

Kaya naman, nag-decide na si Movie and Television Review ang Classification Board - MTRCB – Chair Rachel Arenas na i-extend  until next year ang MTRCB card ng lahat ng deputy ng nasabing ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Chair Rachel, maglalabas ng official statement ang MTRCB tungkol dito.

Nabanggit na rin ni Chair Rachel na kinausap na nila ang mga radio program na gumagamit ng malaswang salita sa kanilang mga programa.

VICE AT ION, ENGAGED NA RIN?!

Ngek, pinagdududahang engaged na rin sina Vice Ganda ang Ion Perez at diumano ay hindi nagpahuli kina Luis Manzano ang Jessy Mendiola.

Nag-post kasi si Ion ng photo nila ng karelasyong si Vice na magkahawak-kamay sa kanyang Instagram account. “yung moment na ayoko ng matapos! O loko.”

Sagot ni Vice sa comment section ng “O loko! Di nyo kaya!” Sagot naman ulit ni Ion, “di talaga!”

Kinuyog ng netizens ang post at kilig na kilig sila. Duda nila, engaged na rin ang dalawa at pakakasal na next year.

Well, buhay nila ‘yun at kung saan sila maligaya ay sundin nila.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with