^

PSN Showbiz

Apo ni FPJ, namigay ng blowout sa kanyang death anniversary

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Apo ni FPJ, namigay ng blowout sa kanyang death anniversary

Namigay pala ng Christmas gifts si Sen. Grace Poe at ng inang si Susan Roces para sa ika-16 taon ng pagpanaw ni Fernando Poe Jr. nitong Disyembre 14. “Pagpapanatili ito ng tradisyon ni FPJ na kalingain ang mga mas nangangailangan sa ganitong panahon,” sey ni Sen. Grace.

Pinangunahan ito ng kanyang anak at chief of staff na si Brian Poe Llamanzares, binisita nila ang mga pamilyang nakatira Isla Puting Bato sa Tondo, Manila.

Ginamit na pamagat at lokasyon ng isang pelikula ni FPJ ang nasabing lugar. Sa Tondo: Isla Puting Bato ay ginampanan ni FPJ ang papel bilang Hernan “Nanding” Perez na dumanas at nakipaglaban sa kriminalidad at kawalan ng katarungan.

Nagpasalamat umano ang mga residenteng tumanggap ng pamaskong handog sa senador at sa pamilya ni Da King, na patuloy pa ring tinatangkilik ang mga pelikula at remake tulad ng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kilala sa buong showbiz si FPJ bilang may malasakit sa mga maliliit na workers ng showbiz.

‘Di naman malilimutan ng kanyang apong si Brian na ngayon ay 28 anyos na, “Ipinadama niya sa amin na and’yan lang siya, kahit na abala siya o gumagawa ng pelikula sa malayo. Namangha kami sa kanyang kasipagan at dedikasyon; at pinatatag kami ng kanyang mga pananaw.”

Isinagawa ang relief efforts sa pamamagitan ng Panday Bayanihan, isang non-government organization na ang inspirasyon ay ang legacy ni FPJ at pinamumunuan ni Brian na balitang kakandidato na rin sa 2022.

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with