^

PSN Showbiz

Martin and Pops, si Robin ang bossing sa bagong show

Pilipino Star Ngayon
Martin and Pops, si Robin ang bossing sa bagong show

Proud parents sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa anak nilang si Robin Nievera na direktor na nila ngayon sa kanilang bagong show sa Cignal TV para sa Colours.

Swak na swak pa ang title na eXes & whYs with Pops and Martin na magsisimula na sa Sabado, December 19 ng alas-nuwebe ng gabi.

Sa totoo lang, wala pang napanood si Robin na kahit isang episode ng programang Penthouse Live ng kanyang magulang, pero sabi niya mala-ganundin daw ang tipo ng show pero siyempre, ang laki na ng kaibahan ngayon sa panahon ng digital at social media.

Sabi naman ng musical director nilang si Louie Ocampo, parang behind the scenes daw ang mapapanood sa bagong programang ito. Halos wala na ngang script dahil sa sobrang komportable na ng dating mag-asawa sa isa’t isa.

Pero kahit kayang-kaya nang dalhin nina Martin at Pops ang buong show, ipinaubaya pa rin niya kay Robin ang lahat. Kaya nga ang anak daw nila ang boss sa buong show, na hindi naman matanggap ng kanilang anak.

“I think Robin hit the nail on the head because he knows both of us so well, that he allows us to be who we are and then bahala na siya sa editing…bahala na siya dun,” pahayag ni Martin.

Bukod sa eXes & whYs tuwing Sabado ng gabi, every Sunday naman ay kasama rin si Robin sa programa nila ni Louie Ocampo na pinamagatang Louie O Live.

Pareho silang musicians, magkakaiba lang ng tunog at atake bilang nasa huling heneras­ yon naman si Robin.

Pero sabi nga ni Robin, very organic lang daw ang show nila ni Louie na magbibigay daan din sa iba pang mga bago at nagsisimula ring mga musicians. “We’re both composers. We’re both musicians. It’s a very different levels of that industry but we wanted to take everyone in between us…the experience, the brand new, the up and coming.

“We all wanted to take the platform for them and show what musicians can really do with very little…you know what I mean,” saad pa ni Robin.

Mapapanood ang mga bagong programang ito sa Colours na available sa Cignal TV CH, 202 HD at CH 60 SD. Sa mga hindi pa subscriber ng Cignal, puwede kayong kumontak sa telepono 88885555, 09499977600 to 7603 o sa sales@cignaltv.

Kumpirmado, Julia tsugi sa paano...

Maingat ang mga sagot ni direk Perci Intalan, ang direktor at producer ng Christmas serye ng TV5 na Paano ang Pasko, tungkol sa isyu ng pagtanggal kay Julia Clarete.

Kuwento nga ni Tita Cristy Fermin, nagpa­dagdag daw ng talent fee si Julia kaya hindi na siya itinuloy.

Hindi deretsahang sinagot ni direk Perci ang tanong namin tungkol sa pagpadagdag nito ng talent fee.

Ang sabi lang niya, natapos na talaga ang book one nila sa naturang Christmas serye kaya bale ibang usapan na raw kung itutuloy siya sa book two. Pero nakunan pa rin pala si Julia ng mga eksena para sa book two na papasok na sa susunod na taon. “May usapan kasi kami for book one,” pakli ni direk Perci. “Yung napag-usapan kasi naming TF pakete ‘yun ng book one. So, natural ‘yan na iba na ang pag-usapan namin sa book two. Pero hindi naman iyon major negotiation, may additional days eh,” dagdag niyang pahayag.

Nilinaw niya sa aming kasama pa rin pala sa book two si Julia at marami pa raw madadagdag na mga character, at isa na nga roon si Bing Loyzaga, Miles Ocampo at Karel Marquez.

Nagpapasalamat lang siya dahil na-extend sila at napag-isipan na nga raw nila ang bagong title nito pagpasok ng book two. Hindi naman daw nalalayo sa Paano ang Pasko ang magiging bagong titulo.

Ang isa rin sa ipinagpasalamat talaga ni direk Perci ay naging bahagi sa seryeng ito si Maricel Laxa. “Hindi na niya kailangang i-verbalize eh. Kitang-kita ko nung character. Kitang-kita kapag nasasaktan ka, naiiyak ka dahil sa mga anak mo. Iyon ‘yung talagang naibigay ni Maricel Laxa. Sabi ko nga, ‘alam mo Maricel, buti you’re back kasi nakalimutan ng tao na ano ka eh…Urian winner siya ‘di ba? Napaka-fit pa niya, nag-exercise  siya araw-araw. Saka sa totoo lang, bata siyang tingnan. Pero wala siyang kiyeme talaga na lola siya ni Elijah (Canlas). Wala siyang kiyeme about that,” saad ni direk Perci nang makausap namin.

vuukle comment

COLORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with