^

PSN Showbiz

Descendants hanggang Pasko na lang

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hanggang Pasko, December 25 na lang ang Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Hindi naman puwedeng i-extend pa iyun dahil hanggang dun na lang talaga ang kuwento, at nai-tape na nila ang kabuuan nito,  Papalitan na ito ng Love of My Life na naka-lock in taping na sila ngayon.

Pero ang nakakatuwa, tuluy-tuloy na ang pagpu-produce ng GMA 7 ng mga bagong drama series.

Bashers ni Derek ayaw tumigil

Ayaw pa ring tantanan ng ba­shers si Derek Ramsay pagkatapos nilang mag-break ni Andrea Torres.

Sabi nga ng Kapuso actor, sa mga isyung ibinabato sa kanya, parang nabuntis na raw niya ang buong Pilipinas.

Nagugulat na lang daw siya sa mga isyung naglabasan na ibinabase lang naman sa nakikita sa mga ipinu-post sa kanya.

Kagaya noong kasama nito ang guwapo niyang pamangkin, pinagdududahan na siyang bading.

May ilang bashers na nagsasabing kaya pala hiniwalayan si Andrea dahil sa iba na ang gusto nito. Bago pa ‘yan, meron ding nasa socmed na may picture siya kasama ang isang magandang babae na isang fitness instructress, na pinagdudahang bagong dyowa na niya. “May nagpa-picture  sa akin yung girl na…she’s a fitness enthusiast, super sexy oo. Humingi siya ng picture, umoo ako. Ngayon, girlfriend ko na raw,” bulalas ni Derek sa nakaraang interview sa kanya ni Morly Alinio sa DZRH. “Parang nakakainsulto din kasi, di ba? Ako, very proud ako sa pamilya ko, tapos ginaganun-ganun nila. It reflects who my family is…kung paano nila ako pinalaki. For them to talk about me like that…alam mo….ano artista tayo, it come with the territory pero alam mo tao rin kami.

“Masakit na kung anu-ano na lang ang puwedeng sabihin. Actually, nabuntis ko na nga ang buong Pilipinas eh, parang ganun na nga eh. Makikita na lang siguro natin in 9 months. At sana naman ang mga basher after 9 months na makita nila na hindi totoo yung mga sinabi nila, mag-sorry na lang sila, sana,” dagdag niyang pahayag.

Mahirap din para kay Derek na nasa moving on stage pa rin, tapos pinuputakti ng ganitong intriga.

Mayor Binay, pinaghandaan ang Mask Wedding

Ang bongga ng preparasyon ni Mayor Abby Binay sa inihanda nilang Mask Wedding na ginanap sa Washington-Sycip Park sa Legaspi Village nung nakaraang Martes ng hapon.

Siyam na magsing-irog ang ikinasal niya ng libre. May pa-wedding gift pa silang iniuwi, at kinantahan pa sila ni Ronnie Liang.

Bahagi na rin ito ng birthday celebration ni Mayor Abby na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung December 12.

Bago niya sinimulan ang wedding ceremony, kinantahan muna siya roon ng Happy Birthday with matching blowing the candle sa dalawang birthday cake. Nagulat pa si Mayor Abby na merong tatlong magkakapatid na lalaking magkasabay na nagpakasal sa kani-kanilang bride.

Maganda na rin daw iyun para tipid sa wedding anniversary celebration ang buong pamilya. Kaya ginawa raw nila sa park ang wedding para open at maiwasan ang posibleng paghahawaan ng COVID-19.

Sobrang ingat sila at mahigpit na ipinatupad ang lahat na safety protocols, para matuloy lang ang kasalan. “Hindi makakapigil ang COVID-19 sa mga gustong magpakasal. Kaya dito na namin ginawa sa park para open air,” saad ni Mayor Abby.

Proud nga ang mga taga-Makati kung paano i-handle ang pandemyang hinaharap natin ngayon. At hindi rin ito dahilan para hindi ituloy ang selebrasyon ng Pasko.

Kaya maaga pa lang ay naipamudmod na sa lahat ang mga pamasko mula kay Mayor Abby. Lahat ay nabigyan ng Christmas basket at may dagdag pang cash gift sa mga senior citizen.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with